Chapter 4: First Encounter

15 1 0
                                    

Third Person

Ang dalaga ay nakasuot lamang ng brown na bistida na ang kahabaan ay hanggang sa kanyang binti.

Suot niya rin ang balabal at sunglass na ginamit niya pa noong tumakas siya. May dala-dala naman siyang basket na siyang paglalagyan ng prutas na bibilhin niya.

Makikita mong hindi maalis sa mukha ng kanyang tita ang kaba sa kanyang pag-alis. Bago siya lumabas sa barrier ay kumaway muna siya sa tita niya at...

"Tita, huwag na po kayong magalala. Hindi ako nito makakaalis eh" sigaw niya. Nakakalungkot isipin na ngayon siya ang alalalis pero dama niya ang galak na ngayon niya lang ulit naramdaman.

"Huwag magtagal anak, hihintayin kita bago maghapunan ah." balik sakanya ng tita niya. Napapangiti na lang ang dalaga sa pagiging caring ng tita.

Siya'y tumalikod na at nagseryoso sa paglalakad.

RITCH'S POV

"Heto na, nakatayo na ako sa harap ng barrier na siyang nagtatago ng labas ng talahiban." saad niya sa kanyang isipan.

Inayos ko ang aking pustura at naglakad na palabas ng nakapikit. Dama ko na ang talahib at nadarama ko na rin ang hangin.

Binuksan ko ang aking mga mata, as usual talahiban ang aking makikita. Hindi parin nagbabago ang tabas dito. Napakataas parin.

"Salamat sainyo talahiban, dahil sainyo nakaligtas ako sa mga taong pumatay sa magulang ko." hinaplos ko ang mga dahon nito.

"Aray!" napasigaw ako sa pagkakagalos sa kamay ko. Napakatalim naman ng mga dahon nito.

Makalipas ang ilang oras kong paglalakad sa talahiban, naaninag ko na ang bayan ng Mhuca-Luma.

Binilisan ko pa upang marating ko agad ang pamilihan. Naandito ako ngayon sa likod bahay ng isa sa mga mamamayan ng Mhya-Luma.

"Pano ba ako lalabas dito, hays I'll act normal na lang." dahan-dahan na akong lumabas sa likod bahay.

Kita kong napakaraming tao sa bayang ito. Napakaingay ng bayan, maiingay sa saya dahil maraming namimili ng mga bagay-bagay.

"Ineng, bili na po kayo ng mga pang-ipit sa buhok. Mura lang at may iba-iba kaming desenyo." saad ng matandang babae na siyang nagtitinda ng mga inaalok niya sakin.

"Pasensya na po. Wala po akong pera." balik ko naman sakanya at tinalikuran.

"Pera lang pambili ng prutas ang naririto sa aking basket eh." busal ng aking isipan. Naglakad-lakad ako sa pamilihan at pawang wala akong nakikitang nagtitinda ng mga prutas o ano mang uri ng pagkain.

Tumigil ako sa aking paglalakad at iniikot ang aking paningin.

"De-departmento ng mga gamit!" sigaw ko sa pagkagulat. Nagsitinginan naman ang mga namimili. Nagpaumanhin naman ako.

"Ay bongga oh! Hindi man lang si tita nagsabi na may ganto na pala dito at pamilihan ng gamit muna pala ang una kong mararating. Ay kagaling!" saad ng along isipan.

Kanino naman ako dito magtatanong, ni isa nga wala akong kilala. Nakakahiya pa naman magtanong. Bagong labas ko lang eh pano ba to.

"Ah, Alam ko na!" dali-dali akong naglakad pabalik sa aleng nagalok sakin ng mga pantali sa buhok. Nakita naman ako ng ale.

Face DrawWhere stories live. Discover now