Chapter 11: Modern Place

8 1 0
                                    

RITCH'S POV

"Tita..." sigaw ko sa pagtawag ng pangalan ni tita. Alam niyo bang mahuhuli na ako sa na pagusapan namin ni boy.

Ilang ulit na akong papalit-palit ng damit, hindi ko alam ngunit wala kahit isang damit ang bumabagay sa akin.

"Anak bakit ka naman sumisigaw, ano ang kailangan mo?" pagtatanong niya sa akin, tila nahihiwagaan siya sa mga galaw ko.

"Tita, wala kasing umaakma na damit sa akin." pagpapaliwanag ko, napasimangot tuloy ako sa mga nangyayari ngayon.

"Hays, ikaw talaga. Ito oh sakto, mabuti't bumili ako kahapon ng damit mo. Hindi ko naman aakalain na kakailanganin mo ngayon." pagaabot sa akin ni tita ng isang supot.

Kinuha ko naman agad ito at inilabas sa supot. Kita ko ang kulay puti na cocktail dress, napaganda dahil may lining siya ng ginto sa may bewang.

"Tita, maraming salamat po. Ikaw na lang lagi ang nagliligtas ng mga araw ko." pagbibigay ko ng pasasalamat, niyakap ko naman siya at pumunta sa palitan ng damit.

Agaran kong isinuot ang bigay ni tita, napamangha ako sa gulat. Bumabagay ang kulay ng damit sa napakaputi kong kutis at sa napakadagat na kulay nang aking mahabang buhok.

"Ang ganda mo na ulit, Ritch." saad ko sa harapan ng salamin, tila mukha akong goddess sa aking itsura.

"Tita aalis na po ako, kailangan ko na po makapunta kasi huli na po ako sa usapan." saad ko pakalabas pakatapos ko manamit.

Mabilisan kong nilisan ang lugar at tumakbo ng mabilis palabas ng malawak na talahiban.

Narating ko na ang bayan ng hindi masyado katagalan, kita ko ang gulat nila pakalabas ko sa likod bahay.

Tila nakakita sila ng dyosang nagmamadali sa hindi nila malaman na dahilan.

"Malapit na ako, Drane." saad ko at tuluyan kong inilabas ang lahat ng makakaya ko upang makapunta agad sa napagusapan namin na pagkikita.

Hingal na hingal naman ako ng marating ko ang bayan ng Bhu-go, kita ko ang naglalakihang building at tila nagkakarerahan na mga sasakyan.

"Nakakapagod naman, ganto pala kalayo ang pinanggalingan niya para lang pumunta sa bayan namin." saad ko sa nabuo kong realisasyon.

Kita ko naman ang sinasabi niyang lugar na paghihintayan namin. Medyo may kalayuan sa kinatatayuan ko ngunit mababasa mo naman kaagad ang lugar na iyon.

"Beep..!" napabalikwas ako sa aking paglalakad ng hindi ko napasin ang auto na paparating sa akin.

Bumaba naman kaagad ang nagmamaneho nito, nakatayo parin ako sa kabang naidulot na muntik na along masagasaan.

Face DrawWhere stories live. Discover now