RITCH'S POV
Hindi ko parin mawala sa aking isipan ang mga nangyari sa aming pagsasanay. Nakalipas na ang ilang araw, naging maayos naman ang pagsasa ng aking tita.
Ngunit hindi ko parin mawaglit ang araw na nasaktan ko siya.
"Good morning anak, bakit hindi ka pa bumabangon sa higaan? May nakakalimutan ka ata ngayon." saad ni tita.
Nakatingala lang kasi ako sa dingding ng bahay. Bigla naman akong napabangon at natauhan sa sinabi ni tita.
"Hala, araw pala ngayon nang walong taong anibersaryo ng aking ina sa pagkakamatay." naibulalas ko na lamang sa harapan ni tita.
Lumapit naman si tita at hinamas ang ulo ko.
"Huwag ka nang magisip ng ano-anong bagay diyan sa isipan mo. Bilis na ng makapunta na tayo." paguutos sa akin na siya namang iginalaw ko.
Sa walong taon na nirahan ako dito, ipinagpaalam agad ni tita na pagkatapos ng araw na mapaslang si ina ay diretyo na siyang inilibing doon mismo sa aming likod bahay.
Naghilamos muna ako bago bumaba sa bahay para kumuha ng bulaklak. Namimitas ako lagi, isang beses sa loob ng isang taon nang bulaklak dito sa batis para dalhin sa puntod ng aking ina.
Pakatapos ng pagpitas ay naligo na ako at nagsuot ng bistidang asul.
"Anak tapos ka na bang magayos?" tanong ni tita sa baba ng bahay.
"Patapos na po tita, kulay na lang ng labi ang kulang sa aking mukha." pabalik kong sagot. Natapos ko narin ang pagaayos sa sarili.
"Ang ganda mo ulit Ritch." saad ko sa aking isipan ng masulyapan ko ulit ang kumpleto kong itsura sa salamin, pakatapos ko ay deretyo na akong bumaba.
"Aba-aba, nagaayos na ang dalaga ko, lapit ka nga ng mayakap kita." nagyakapan naman kami ni tita at siya na ang unang humiwalay sa aming ginawa.
Matapos ang mga nagdaang araw sa pagitan namin ng aking tita, lalong naging matibay ang aming pagsasama sa tahanan.
"Halinang makapunta na tayo." paganyaya niya sa akin at tuluyan na naming nilisan ang lugar.
Narating na naming ang lugar na dati ko ring bahay. Nakakalungkot isipin na sa tuwing dadalaw ako sa aking tahanan, puntod ng aking ina ang aking makikita.
Napatayo na lamang ako at tiningnan ng mabuti ang likod nang aming tahanan. Inilibot ko ang aking paningin.
Nabivisualize ng aking isipan ang panahong tumatakas ako sa mga mamamatay tao. Nakikita ko ang maliit na akong tumatakbo sa malawak na talahibang ito.
Napaluha na lamang ako sa aking naalala.
"Ayos ka lang ba anak? bakit napatigil ka? umiiyak ka ba?" sunod-sunod na katanungan sa akin ni tita.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.