RITCH'S POV
"GET UP RITCH..." sigaw ni tita ng pagkaaga-aga. Ano na naman kayang surpresa ng tita.
Bumangon ako ng mabilisan, hinayaan kong magulo ang aking hinigaan. Tumungo ako sa bintana upang silipin siya.
Napasinghap ako sa gulat, as in gulat na gulat.
"TITA..." sigaw ko sakanya, alam niyo ba ang ginawa niya. May tumama lang naman na arrow sa tabi ng bintana ko at malapit sa mukha ko.
"Ano na namang bang ganap." my mind said. Nakita kong parang naging training ground yung space sa ibaba ng bahay.
May mga bagay-bagay na mukhang para sa isang pagsasanay ng isang warrior. Mga ganoong ganap.
"Sorry, magpalit ka na at magsasanay tayo." saad ni tita sa baba, mukhang seryoso ang mukha niya.
Dali-dali naman akong nagayos at bumaba. Pinakain niya muna ako upang may lakas raw ako mamaya.
"Heto na, magsisimula na." saad ng isipan ko. Naandito na ako ngayon sa field, kaharap ko si tita at binigyan niya ako ng dagger.
Napatingin naman ako sa hawak ko. Ano naman ang gagawin ko dito, may hahatiin ba akong prutas o kakaliskisang isda. Hindi naman ako marunong nito.
"Gawin mo ang lahat ng makakaya mo hanggang sa masugatan ako, RITCH." pandidiin niya sa pangalan ko.
"What.!?" gulat kong sigaw sa harap niya. Bakit ko naman siya susugatan. Nalipasan ba siya ng gutom? kumain naman siya at kasabay ko pa.
"Kailangan ko pa bang ulitin'." irita niyang saad. Ay wow siya pa ang galit, mabuti tita kita eh.
"Pe-pero bakit naman po?" pagtatanong ko ulit. Isang stick lang ang hawak niya na ipanglalaban sakin. Hindi niya sinagot ang katanungan ko.
Bigla naman niyang iwinasiwas ang hawak niyang stick, tila nagmamagic. Okay lang ba siya?
"Aray..!" daing ko sa sakit. Hindi ko alam kong papaano ako nakadapa ngayon sa lupa. Ang alam ko lang sinipa niya ang mga binti ko kung kayat nawalan ako ng balanse.
"Hawag ka lang kasi tumingin sa isang bagay lang, kailangan mong suriin ang bawat anggulo ng kalaban." pangangaral niya, kailan pa siya naging teacher.
"Ouchyyy..." reaksyon ko ng hampasin niya ng stick ang pwet ko. Hindi pa nga ako nakakaget over, may masakit na naman.
Dahan-dahan akong tumayo habang kinakamot ang pwetan ko. Sige magseseryoso na ako, inayos ko ang tindig ko at pinakita ko na lalaban ako.
Mabilisan ko naman siyang nilusob, nakatutok papunta sakanya ang dagger ko. Iniwasan niya lang ito at tinapik ang kamay ko gamit ang stick na kanyang hawak.
"Aww! tita dahan-dahan naman." reklamo ko sakanya, bakit sinasaktan niya ako. Lumayo naman siya at wala akong reaksyon na nakikita sakanya.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.