Third Person
Tumakbo ng mabilis si Via para maghanap ng masisilungan, umuulan ng malakas at ang ikinakaba niya ay papaano niya maitatago ang nabasa niyang mukha.
Sa kabilang dako naman, agarang nilisan ng mga kasamahan ni Via ang parke. Inis na lumalayo ang mga ito dahil hindi tumupad si Via sa napagplanuhan.
"Madre, iiwan na lang ba natin si Via?" agarang tanong ni Sailves sa madre, hindi sumagot si madre. Patuloy lang sila sa pagtakbo hanggang sa makarating sa paanan ng bundok.
Hingal na tumigil ang lahat, walang imikan ang mga ito at pawang naghihintay ang bawat isa na may magsalita.
"Madre, hahayaan na lang ba natin si Via sa bayan?" ang pagputol ni Sailves sa katahimikang bumabalot sa kanila kanina.
Humarap naman si madre, napahinga ng malamin at nagisip ng mabuting sasabihin sa dilag na nagtatanong sa kaniya.
"Sailves, hindi tayo maaring manatili sa parkeng iyon. Nakikita mo ba ang sitwasyon natin, hindi natin pwedeng ipahamak ang lahat." salaysay ng madre sa dalaga.
Napatigil naman sa kinatatayuan ang dalagang si Sailves, inisa-isa niya ang bawat mukha ng kasamahan sa grupo.
Mga blangkong mukha ang meron ulit sa kanila, nabura ang mga iginuhit sa mukha dahil sa lakas ng ulan na kanilang nasagupa.
"Pa-pasensya madre, ayoko lang mapahamak si Via." pagpapaumanhin ng dalaga sa madre, tinapik naman nito ang balikat ni Sailves na nagsasabing ayos lang.
"Tara na, upang mapagusapan namin kung paano natin babalikan si Via sa bayan." paguutos ni madre sa mga ito, sumunod naman ang lahat at nagtungo na pataas ng bundok.
VIA'S POV
Nakasilong ako sa isang likod bahay dito sa bayan, natatakpan naman ang blangkong mukha ko ng mahaba kong buhok para hindi nila mapansin ang itinatago ko.
Patuloy akong nasa ganoong sitwasyon ng bumukas ang bintana sa likod bahay ng pinagsisilungan ko.
"Oh babae, bakit nariyan ka sa likod at basang-basa. Tumungo ka nga rito sa loob ng makapagpatuyo ka." saad ng dalaga sa loob ng tahanan.
Pagkakataon ko na ito, baka matulungan niya ako sa sitwasyon ko ngayon. Pumasok naman ako kaagad na nakayuko ang mga ulo.
"Bakit ganyan itsura mo, ako nga pala so Vicky magisa lang ako dito sa bahay." pagpapakilala niya, mabuti naman at solo ka dahil mabibigla ka sa makikita mo.
"Vi-vicky, tulungan mo ko at sana huwag kang mabibigla sa makikita mo." pagbulalas ko sa kanya, patuloy parin siyang nakatayo sa harapan ko.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.