Third Person
Sa isang maliit na tahanan, mayroong mag-inang mahimbing na natutulog sa gitna ng tahimik na gabi.
Ang ina ng natutulog na bata ay naalimpungatan sa mga hakbang na patungo sa kanilang tahanan, ito'y kanyang naririnig sa hindi kalayuan.
Siya'y bumangon at ginising ang natutulog na anak.
"Anak gising, aalis tayo. Bilis, bangon anak." saad niyang may halo ng kaba't nagiisip kung ano ang kanyang plano sa pag-alis.
Nagtaka naman ang bata. Hindi mo mawari sa bata kung ano ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila blangko kung titignan ngunit mayroong pagtataka sa kanyang isipan.
"Inay ano po ba ang nangyayari? ayos lang po ba ang lahat?" mga katanungang lumabas sa bata. Pero nakapagtataka na hindi mo alam kung paano niya naibulalas ang mga salita na nibutas sa mukha niya ay wala kang makita.
Blangko lang ang kanyang mukha. Tulad ng balloon na walang features na makikita, isang oblong lamang at tila pahina rin ng libro na hindi pa nasusulatan.
Papalakas ng papalakas ang mga hakbang patungo sa kanilang tahanan. Tumayo ang ina at tumungo para silipin ang nangyayari sa labas.
"Pa-pano nila nalaman na buhay ang anak ko. Hindi pwede to." naibulalas ng kanyang inay. Tila nanlambot sa kinatatayuan ang ina, mga taong mukhang handang pumatay ang patungo sa tahanan nila.
Unang beses niya lang marinig na may halong takot ang ina at dito niya napagtanto na nasa panganib ang buhay nila.
Tumakbo ang ina malapit sa kanyang anak. Dali-dali niya itong tinakpan ang mukha nang bata ng balabal at sinuotan niya rin ito ng sunglass para matabunan ang blangko nitong mukha.
Agarang itinayo ng ina ang bata patungo sa likod bahay, puro talahiban na kasing taas ng tao ang tubo nito.
"Anak, gawin mo ang lahat makalabas sa talahibang iyan. Iligtas mo ang iyong sarili. Su-susunod ako." saad ng ina sa bata. Sinarhan ng ina ang pintuan sa likod bahay at diretyong pumunta sa mga taong kakarating lang sa harapan ng bahay nila.
Sa kabilang dako naman, tila walang galawan ang bata sa likod bahay. Pinagmamasdan niya lang ang bawat pangyayari. Ayaw niyang iwan ang ina, ayaw niyang magisa.
"A-ano pong kailangan nyo?" tanong ng kanyang ina ng ito'y buksan ang pintuan.
Nanginginig man sa takot ang ina, nilakasan niya ang kanyang loob para mabigyan ng oras ang anak sa pagtakas ngunit hindi niya alam na patuloy na nanunood at hindi umaalis sa kinatatayuan ang bata.
"Parang napaghandaan mo ang pagbisita namin sa tahanan niyo." saad ng mukhang pinuno sa kanila.
Nagsitawanan naman ang mga miyembro nito. Napayukom ng kamao ang ina at hindi naman mapakali dahil panay lingon nito sa likuran kung saan niya hinatid ang anak.
Napasinghap ang ina ng may maramdamang matulis na bagay na nakatutok sa kanyang leeg.
"Parang may tinatago ka ata, ASAN ANG ANAK MO!?" singhal ng mukhang pinuno sa grupo.
"Ma-matagal ng patay ang anak ko." saad ng kanyang ina na tila gumagaralgal sa takot ang buong sistema nito.
Walang ibinigay na ekspresyon ang kaharap ng kanyang ina.
"Ahhh..!" sigaw ng kanyang ina ng bigla na lang itong sinaksak sa dibdib ng lalakeng kausap lang nito kanina.
"Alam mo, IKAW ANG PATAY." saad ng pinuno na ibinulong sa tenga ng kanyang ina. Tila nanginig sa takot ng masilayan ito ng bata. Walang ekspresyon ang maaaninag sakanya.
Biglang napadako ang paningin ng kanyang ina sa kinatatayuan niya. Ang bata ay na paatras sa talahiban na nagdulot ng kaluskos na siyang pumukaw sa pumatay sa ina.
Nagulat ang ina sa kanyang narinig.
"Hindi maaari, bakit hindi pa siya umaalis." saad ng isipan ng ina.Pinilit niyang makapagsalita kahit siya'y nahihirapan na sa paghinga.
"Ta-takbo anak..." sigaw ng ina bago tuluyang nalagutan ng hininga.
"In-inay, patawad." saad ng bata. Dali-daling tumakbo ang bata papasok sa makapal at malagong talahiban.
Kahit sinong taong papasok dito ay hindi alam ang magiging resulta nila sa loob ng talahiban.
Lahat ng mga masasamang tao na naruruon kanina sa kanilang tahanan ay ngayo'y nakikipag habulan sa kanya sa loob ng malawak na talahiban."Takbo bata, TAKBO!" saad ng taong kumitil ng buhay ng ina.
Patuloy sa pagtakbo ang mumunting bata. Sa maagang edad ay nakasaksi na siya ng trahedya.
"Kasalanan ko to, nagsinungaling ako at dahil din sa napakablangko kong mukha kung kaya'y nasawi ang aking ina." bulalas niya sa kanyang isipan.
Patuloy lang siya sa pagtakbo na tila'y walang katapusan. Hindi niya napansin ang oras na maguumaga na.
Mukhang nakalayo na siya sa panganib dahil sa tagal at layo ng kanyang tinakbo.
Pagod na pagod ang munting bata, unti- unting nanghina ang sistema nito at nanlalabo na ang kanyang mga mata.
Sa hindi kalayuan ay may naaninag ang bata, isang anino na tulad ng kanyang inay.
"In-ina..." saad niya at tuluyan ng nawalan ng malay ang bata.
______________________________________The picture above represent how look like the child's face, Ritch.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.