Chapter 9: Revelations

3 1 0
                                    

TITA'S POV

"Mukhang natagalan ang anak ko sa loob, gulatin ko nga." saad ko ng hindi bumalik kaagad si Ritch sa puntod ng kayang ina.

"Ano kayang nangyari sakanya?" katanungan ng aking isipan, kayat dahan-dahan akong naglakad papasok sa kanilang bahay.

Nakita kong nakatayo si Ritch na may hawak na hindi kaliitang libro. Napansing ko namang nanginginig siya sa kanyang kinatatayuan.

"Ako dapat ang manggugulat ngunit ako pa ang kayang nagulat." saad ng aking isipan. Dahan-dahan na lamang siyang natumba at nawalan bigla ng malay.

Dali-dali ko namang nilapitan si Ritch para tulungan. Binuhat ko naman siya at inihiga sa dati nilang higaan.

Naalala ko namang may hawak siyang libro. Nahanap ko naman ito na nakalapag lamang sa sahig na siguradong nabitawan niya.

"Ano kaya ito?" tanong ko agad sa aking sarili. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pahina. Aking binasa ang bawat pahina.

"Nakakagulat nga naman, kaya pala hindi kinayanan ng dalaga ko eh. Kukunti lamang ang alam ko sa loob ng librong ito." pagmamaktol ko sa mga bagay-bagay na aking natuklasan sa pamamagitan lamang nang lumang librong ito.

FACE DRAW: The Hidden Secret

Sa lugar ng Breeland ay nahahati ito sa dalawang bayan. Ang bayan ng Bhu-Go at nang Mhuca-Luma.

Sa bayan ng Mhuca-Luma ay may nakatagong sekreto na walang sino mang ordinaryong tao ang nakaaalam.

Sa tuwing sasapit ang buwan ng agusto ay nagsisilabasan ang mga taong walang mukha o tawagin nating mga taong face draw.

Mga taong mayroong blangkong mukha. Mga taong may hiwaga na sila-sila din ang may alam.

Bago pa naman suminag ang sikat ng araw sa nakatakdang araw nila ay naghahanda na sila upang maghanap ng magmahahal sa kanila.

Tinatawag nila itong day love match, kung saan pinipintahan nila ang kanilang mga mukha upang maging kumpleto kung ano man ang kulang sa parteng iyon.

Sabay-sabay silang lumalabas upang mahanap ang magbabago sa kapalaran nila.

Sinasabing kukonti lamang na pursyento ang makakapagbago sa buhay nila kapag kauri ang minahal nila.

Kaya naghahanap sila ng taong ordinaryo na karapat dapat sa pagmamahal nila dahil ito lang ang iisang araw na pagkakataon na meron sila.

Pagkakataon na sa isang taon nila lang nakakamtan.

Kailangan namang mahalin sila ng totoo na hindi nabubunyag ang kanilang sekreto dahil doon lang nagkakaroon ng bisa ang inside magic na sinasabi nila.

Kung magkamaroon naman sila ng pamilya lalo na kung magkakaanak ang babaeng face draw ay nararapat na hindi siya hiwalayan ng kanyang asawa bago ilabas ang sanggol sa sinapupunan.

Kung hindi ay magiging katulad nila ito at mga anak naman nila ang dadanas ng naranasan ng naunang face draw.

Hindi lubos maisip ng ilalan sa katulad nila kung bakit nagkaganoon na lamang ang kanilang mga mukha.

Face DrawWhere stories live. Discover now