Chapter 18: Migration

3 1 0
                                    

VIA'S POV

*Andito ang mga mamatay tao, bilis...

*Patayin natin ang mga halimaw!

*Mga batang isinumpa, dapat ibitay...

Iilan lamang iyan sa mga salitang narinig ko habang nakapikit at nakahiga pa ako sa aking silid.

Narinig ko naman na nagsibangunan ang mga bata dito sa simbahan kung kayat bumangon na rin ako.

"Madre, anong meron sa labas ng simbahan?" biglaang pagtatanong ni Whaves ng makarating sa kinatatayuan ni madre.

"Nais tayong pasukin ng mga taga bayan dahil sa nangyaring kaguluhan kagabi." pagpapaliwanag naman ni madre.

"Ngu-ngunit madre, papaano tayo haharap sa ganitong itsura? at mukhang hindi usapan ang magaganap." bulalas ni Branz na biglang sumulpot sa aming likuran.

"Branz, bakit ka naman bumangon? hindi ka pa magaling." pagaalalang saad ni Sailves, nilapitan naman nito ang binata at inalalayan.

"BUKSAN NIYO ANG PINTO, MGA MAMAMATAY TAO..!" sigaw ng taong nasa likod lamang ng pinto nang simbahan.

"Via, kailangan na nating tumakas sa simbahang ito. Hindi na tayo ligtas rito." kabang saad ni madre sa nakikita niyang sitwasyon namin dito.

"Sige po madre, asikasuhin niyo na ang dapat kailanganin. Babantayan ko na muna ang trangkahan." paguutos ko naman kay madre, dali-dali namang kumilos ang mga ito.

Kumuha naman ako ng natirang boteng may gaas at mitsa na ipinang bato namin kagabi, kumuha na rin ako ng panindi.

Nakaabang lang ako sa hindi kalayuan sa mismong pintuan ng simbahan.

"Via, halika na. Naihanda na namin ang lahat." saad ni Sailves at sila'y patungo na sa likod simbahan.

"Sige susun-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nasira ang pintuan ng simbahan at inilantad nito ang mga taong may matutulis na bagay sa kanilang mga kamay.

Gulat at takot naman ang nakita ko sa mga reaksyon nila, mukhang hindi nila inaasahan ang aming mga itsura.

"ma-mga HALIMAW..!" sigaw ng matandang babae na nasa harapan ko ngunit may kalayuan ang pwesto sa kinatatayuan ko.

"Paalam..." sabay-sabay ko namang itinapon ang mga boteng may sindi sa kinapepwestuhan nila sa simbahan.

Nagliyab naman ito na siyang nagsilbing harang sa mga taong nais pasukin ang simbahan at puntahan ang kinaroroonan naming mga anak ng simbahan.

"TAKBO..." sigaw ko, dali-dali naman kaming kumilos at narating namin ang likod simbahan.

Inaalalayan naman ni madre ang kambal at si Sailves naman ay tinutulungan sa paglalakad si Branz.

Iika-ika namang nakakapit si Reymir kila Tune at Whaves samantalang nakakapit sa braso ko sila Lean at Ving.

Mabilis naman kaming nakalayo sa likod simbahan at ramdam namin ang init ng araw, mistulang magtatanghali na ang sikat ng araw sa kalangitan.

"Madre, maaari ba tayong magpahinga? napapagod na kami sa layo ng ating nilakad." pagmamaktol ni Sailves sa pagod na kayang nadaram.

Face DrawWhere stories live. Discover now