Chapter 27: Their Deaths

6 1 0
                                    

RITCH'S POV

Maaga akong nagising sa bundok ng aming kauri, tulog parin ang lalakeng mahal ko at minahal ako.

Marahan akong lumabas sa aming kinatutulugan, nasilayan ko naman ang paunti-unting pagsikat ng araw dito sa kabundukan.

"Ate Ritch, magandang umaga po." ani ng batang nagsalita sa aking likuran, napansin ko naman na may dala itong lalagyan ng kung ano.

Pansin ko ang gandang tinataglay ng bata kahit na wala itong mga mata at iba pang parte ng mukha.

"Napaaga ka ng gising Lazee, ano bang gagawin mo sa dala mong lalagyan?" pagtatanong ko sa bata.

Napahawak naman ito sa aking kamay, ramdam ko naman ang lamig at panginginig nito.

"Ayos kalang ba? may problema Lazee?" kabado kong tanong dito, napatango naman ito.

Biglaan ko naman itong niluhuran upang mapantayan ang tangkad ng bata, nais kong malaman kung ano ang dinadala ng bata.

"A-ate, tulungan niyo po ako-" pagputol niya sa kanyang sinasabi sa harapan ko.

"Tulungan niyo po akong mamitas ng prutas sa paanan ng bundok, malapit sa ilog." pahayag niya, napabuga naman ako ng hininga ng malaman kong sa pagpitas lang naman ang kailangan niyang tulong.

Ginulo ko naman ang buhok nito at niyakap ng mahigpit.

"Ikaw talaga, pinagalala mo ako bata." natutuwa kong tugon dito, napangiti na lag ako dito.

Pinakaba niya ako wala sa oras, pero mukhag may itinatago talaga ang bata. Hindi ko lang matuklas kong ano ito.

"Pasensya na ate, tara na po." masigla nyang paganyaya sa akin, hinila naman niya ako patungo sa sinasabi niyang parte ng bundok.

Sumasabay naman ako sa mga hakbang ng batang si Lazee, masiyahin ang bata at nagkwento siya tungkol sa buhay niya.

Mga nakakaintrigang mga impormasyon ang nakuha ko mula dito, simula kasi ng mawala ang mga nakakatanda sa grupo ay nagbago ang turingan sa grupo nila.

Sunod-sunuran raw ang lahat sa ama niya at pinangasawa ni Reymir ang babaeng si Bing ng walang pagsangayon ng lahat.

Takot silang lahat sa namumuno, ni hindi raw itinuring ng pinuno ang kanyang ina bilang asawa.

Mabuti't naririyan ang mga kauri nila na syang umaagapay sa ina at sakanya. Kita ko naman ang lungkot ng galaw ni Lazee.

"Magiging ayos din ang lahat Lazee, huwag kang magalala." pagpapahinhon ko sa batang kasama ko mamitas ng prutas dito sa tabing ilog.

"Opo ate, dahil si kuya Drane daw po ang sagot sabi ni itay." biglaang saad ng bata na ikinagulat ko.

Papaanong sya ang sagot? ano bang meron sa lugar na ito lalo na sa grupo ng mga kauri ko?

"A-anong nais mong sabihin?" mabilisan kong tanong at hinawakan sa balikat ang bata.

"I-iyaalay po si kuya para mawala ang sumpa, ate." sagot naman niya sa katanungan ko.

Nanghina ang mga tuhod ko sa aking narinig, bakit siya ang sagot eh dala ko na ang libro para sa paglutas sa sumpang meron sila.

"Kailangan na nating bumalik sa bundok, hindi maaaring mawala ang mahal ko." saad ko at mabilisang tumakbo patungong bundok.

Nakita ko namang sumusunod ang bata sa aking likuran, kailangan kong maligtas si Drane.

Narating ko ang kuta, pagod ako sa pagtakbo at hinahabol ang hininga ko. Pansin ko din ang mga katipong may sindi kahit na maliwanag ang paligid.

Face DrawWhere stories live. Discover now