RITCH'S POV
"Anak basang-basa ka, magpalit ka na baka magkasakit ka niyan." pagutos sa akin ni tita ng bumungad ako sa harapan niya.
"Tita, barbeque po." pagabot ko sa kanya ng pagkaing binili sa akin ni boy, nakakabwiset naman kasi umulan pa.
"Aba' ang dami neto ah, salamat." saad naman ni tita, deretyo naman ako sa palikuran ng makapagayos na sa pagtulog.
Habang naliligo ako, pumusok ulit sa utak ko ang lalaking muntik kumitil sa buhay ko na siya rin ang kumitil sa buhay ng aking ina.
"Magkikita tayo bukas at maipaghihiganti ko na ang buhay ni ina." pagsasaad ko at pinagpatuloy ang paliligo.
Nang makatapos ako sa paliligo, inihanda ko ang mga gagamitin ko sa pakikipagkita sa lalaking iyon sa modernong lugar.
Nasaayos na ang mga bagay katulad na lamang ng mga dagger, knife at damit ko bukas.
"Salamat sa lahat tita at Drane, baka bukas ay huli na ang paglalakad-lakad ko sa aking buhay." pagsasaad ko at natulog na ng tuluyan.
Kinaumagahan, gumising ako ng maaga dahil kinausap ko na siya na makikipagkita ako tungkol sa pangyayari naming kahapon, pumayag naman siya.
"Tita aalis muna po ako saglit." pagpapaalam ko sa tita, hindi ko na siya nilingon at naglakad na palabas sa bahay at sa talahiban.
Nakasuot lamang ako ng dress na maykahabaan na umaabot sa bukol-bukol ng paa.
Inilagay ko naman ang knife at dagger sa pagitan ng mga hita ko upang hindi mapansin ang binabalak ko.
Nakarating naman ako sa modernong bayan ng hindi katagalan at ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng building na kinaruruonan nang taong may utang sa akin.
"Umaasenso din pala ang mga mamamatay tao." bulalas ng aking isipan.
Nakita ko naman ang mga lalaking naka amerikano na mistulang may hinintay na bisita. Nilapitan ko naman ang mga ito.
"Magandang umaga po, andyan po si Mr. Dye Yunso?" pagtatanong ko at nakita ko naman na nagkatingina sila.
"Excuse, are you Ms. Ritch Vensey?" pagbabanggit niya sa pangalan ko, ako ata ang hinihintay nila.
"Opo, ako po iyon." pagsagot ko naman, inutusan naman nila akong sumunod sa kanila.
Napansin ko naman na ang patutunguhan ng direksyon namin ay sa bandang likod kung saan nakahelera ang madaming auto.
Pumasok naman sila sa iisang pintong naandon. Itinuro naman nila ang dulong pinto na nagsasabing naandon ang taong hinahanap ko.
Dumiretyo naman ako, nararamdaman ko ang lamig sa mga paa ko. Malapit na ako sa dulong pinto.
"Lakasan mo Ritch ang loob mo, para sa ina mo ito." pakikipagusap ko sa aking sarili sa pamamagitan ng isip.
Kumatok nama ako, nanginginig ang mga kamay ko. Rinig ko naman ang boses ng taong hinahanap ko na siyang nagpapapasok na sakin sa loob.
Bumukas nama ang pinto at nasilayan ko ang opisina nito. May mga lalaking nakatayo sa kanyang likuran, mga walong lalaki at isa pa sa taong nagbukas.
Bale sampong tao sila sa loob ng opisinang ito. Lumingon naman ako at mabuting wala na ang mga lalaking naghatid sa akin dito.
"Hayss, baka hindi ko kayanin kung nagkataon." bulalas ng isipan ko at tuluyang pumasok.
"Good morning Ms. Vensey." pagbati naman niya sa akin, binati ko naman siya pabalik at pinaupo niya ako sa kanyang harapan.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.