Chapter 17: Given Curse

3 1 0
                                    

VIA'S POV

Nagising ako pati narin ang mga kasamahan ko sa gitna ng ginawa naming gulo.

Nasa gitna kami ng mga bangkay na aming napatay kani-kanina lang, kita ko ang mga bata't matatandang wala ng buhay.

"Ba-bakit ako naririto?" biglang bulalas ni Branz na nakatayo sa kabilang direksyon, kami'y nagulat sa aming nakita.

"Nasa bahay siya ng iwanan namin." takang saad ng isipan ko, anong hiwaga ang naririto sa bayan.

"Madre, hindi ako makagalaw." saad ni Sailves sa kanyang kinatatayuan, iginalaw ko din ang mga binti ko ngunit maging ako ay di makagalaw.

Nakapabilog ang aming pagkakapwesto sa gitna ng daan. Lumalakas ang apoy sa paligid ng mga bangkay na hugis bilog din ang naroron.

"Ate Via, bakit hindi tayo makagalaw?" takang tanong ni Jem na pinipilit makaalis sa kanyang pwesto.

"Hindi ko alam, pati rin ako ay hindi makagalaw." pagsasaad ko sa kanila, bakit nangyayari ito.

Wala kaming makita na ibang buhay na tao maliban sa grupo namin na kasalukuyang nakatayo parin.

"KAYONG MGA NILALANG KO, NAGKASALA'T KUMITIL NG BUHAY BILANG KASAGUTAN SA INYONG PROBLEMA." malakas na bulalas mula sa kalangitan, wala kaming nakikitang taong na sa himpapawid.

"Si-sino ka?" pagtatanong ko bigla sa nagsalita, walang miisang bakas na magtuturong nandon ang kinalalagyan niya.

"AKO ANG LUMIKHA SA INYONG LAHAT, ANG PAGPATAY AY KASALAN KAHIT BUHAY NA NG INYONG MINAMAHAL ANG NAKASALALAY." pagsagot niya sa katanungan ko.

"PAGMASDAN NIYO ANG MGA BANGKAY NA KINUNAN NIYO NG BUHAY, WALANG KASAMAHAN NIYO ANG NABIBILANG SA MGA NAMATAY." dugtong niyang saad.

Iniikot ko ang aking paningin, wala sa amin ang namatay dahil sa pagligtas na aming ginawa.

"Ngu-ngunit maaring mamatay ang kasamahan ko kapag hindi kami kumilos." pangangatwiran ko.

"LAWAKAN MO ANG IYONG KAISIPAN DALAGA, MAY PAGKAKATAON NA SILANG PATAYIN ANG KASAMAHAN MO PERO PINAHIRAPAN LANG NILA ITO. NGUNIT KAYO, PINATAY NIYO NG WALANG ALINLANGAN PARA MAPALAYA LANG ANG MGA MAHAL NIYO." pagpapaliwanag niya.

"Hi-hindi na namin kasalanan iyon, sila ang nauna sa gulong ito." pagmamaktol ko, tila pinagpipilitan niyang kami ang may sala.

"SILA'Y NANGAPI AT NANAKIT NGUNIT KAYO ANG KUMITIL, BILANG KAPARUSAHAN MARARANASAN NIYO ANG HABULIN NG KAMATAYAN. KAYO'Y MAGHAHANAP NG SAGOT NA KAILAN MAN AY HINDI KO SASAGUTAN DAHIL SA PAKIUSAP NIYO." saad niya, biglang dumagundong ang napakalas na kidlat sa himpapawid.

"Mga a-ate at kuya, nagsisigalawan ang mga patay." bulalas ni bing sa takot, kita ko rin na gumagapang sila patungo sa amin.

"Tu-tulong madre..." sigaw ng kambal na hindi mapakali sa nangyayari, nakakakaba at nakakakilabot.

Sigaw na ng sigaw ang mga kasahan ko dahil nakakapit na ang mga bangkay sa mga paa naming nakaapak sa lupa.

Tila nabibingi ako sa ingay, wala along maiisip na paraan. Kita ko na lang ang mga bangkay sa pagtanggal nila ng balat sa bawat parte ng kanilang katawan.

Gumagapang sila pataas ng aming katawan at itinatapal nila sa aming mukha ang mga balat na kanilang itinanggal sa kanilang katawan.

Puro dugo ang aking nakikita at nadarama sa aking mukha. Pinagmasdan ko ang aking mga kasama na tila nawalan ng malay sa mga pangyayari.

Nakalapat lang sa mukha nila ang mga balat na idinikit ng mga bangkay. Unti-unti na ring nawala ang mga patay sa among paligid.

"Bakit lumalabo ang aking paningin, wala akong makita ni anong bagay." saad ko, maya-maya ay bumalik naman ang paningin ko.

Nasa simbahan na kami at nakaupo sa hapag. Lahat sila nakatalikod sa mesa at sa akin, nakakapagtataka.

"Je-jem..." pagtawag ko sa aking katabi na ngayong walang imik, hindi naman ito sumagot. Hinawakan ko naman ito sa magkabilang balikat at hinarap.

"AHHHH..!" gulat kong sigaw ng masilayan ko ang itsura ng bata, papaano nangyari ang mga ito.

Walang kilay, walang mata, walang butas ang ilong at bakit walang bibig si Jem na nasa aking harapan.

Naramdaman ko namang dahan-dahang humarap ang mga kasamahan ko sa hapag at doon ko nasilayan ang magkakapareho nilang sitwasyon.

"Ba-bakit nagkaganyan ang mga mukha niyo? bakit naging blangko ang itsura niyo?" takang tanong ko sa kanila, umiling ang mga ito bilang sagot.

Walang may alam kung paano nagkaganito, lumuluha ang mga mukha nila. Mukhang ang lungkot ng pinagdaraanan nila.

Napahawak naman ako sa aking mukha, pati ako ay nawala ang mga parte ng mukha ko.

"Ate..." saad nila sa akin, humahagulgol sila sa lungkot at awa sa aming mga sarili.

"Madre, pasensya na kayo..." pagpapaumanhin ko, ako ang may kasalan into dahil kagustuhan kong mailigtas sila sa panganib.

"Huwag mong sisisihin ang sarili mo, ginusto rin naming gawin iyon." pagpapaliwanag ni madre sa akin.

Nagsitanguan naman ang mga kasamahan ko. Tumayo ako at niyakap si madre, nagsitayuan din sila at nagyakapan kami.

"Huwag na kayong umiyak, naaawa ako sa kalagayan niyo." paguutos ko, nahihirapan akong tingnan sila na ako ang may kagagawan sa mga itsura nila.

"Hayaan mo na Via, magkakamukha na tayo." pagsasaad ni Sailves na syang nagdahilan para magtawanan.

Nagsikilos na kami para magayos ng sarili. Puno kami ng dugo na galing sa mga mamayanan ng bayan.

Napatingin ako sa salamin at nasilayan ng mabuti ang aking bagong imahe. Walang kapangitan ngunit may kakulangan.

"Ito ba ang sumpa ng kasalanan na aking nagawa?" takang tanong ko sa salamin, napahawak na lamang ako sa mukha ko at dinadama ang balat nito.

"Ate Via, nakakapanibago noh?" saad ni Tune ng makita ako na nakatayo sa salamin.

"Oo at may pagsisisi akong nadarama." malungkot kong sagot kay Tune, kita ko naman na napayuko ito at tinapik ko na lang ang balikat nito.

Bumalik na ako sa aking silid at nakatanaw sa aking bintana. Napakaganda ng kalangitan kahit may nangyaring hindi maganda sa bayan.

"Sa may kapal na lumikha at sumampa sa amin, ipapakita namin ang kasagutan sa ibinigay niyong problema sa amin. Maibabalik din namin ang dating mukha na mismo naming nasilayan mula pagkabata." busal ko sa kalangitan.

"Sana malaman ko ang kasagutan at mahanap ko agad ng matapos na ang sumpang dinaramdam ng aking mga minamahal." saad ng aking isipan, sana maging maayos ang lahat at sana maganda ang aming kinabukasan.

Face DrawWhere stories live. Discover now