Chapter 24: Live

3 1 0
                                    

VIA'S POV

Nagising kami ng kaibigan kong si Vicky sa malalakas na katok na nagmumula sa labas ng pintuan.

Siya na ang bumangon at nagpunta sa kumakatok, gulat ako lalo na mas gulat si Vicky sa nasilayan sa labas.

"Inaaresto ka namin, Vicky Denivys alyas tongue of city sa salang slander." saad ng pulisya, agaran siyang pinusasan at isinama palabas.

Pilit kumakawala si Vicky sa pagdakip sa kanya, agad naman akong tumayo at sinilip ang paroroonan niya.

"Pakawalan niyo ko, Vi-via pasensya na sa bibig kong hindi mapigil. Paalam, alagaan mo ang sarili mo't lalo na ngayo'y wala ako sa piling mo." saad niya at kumaway na may kasamang pagpatak ng mga luha niya.

Natulala akong nakatitig lamang sa kanya, wala man lang akong nagawa para sa mahal kong kaibigan.

Napatalikod na lamang ako sa papalayong bihikulong magdadala kay Vicky sa bilangguan.

"Patawad Vicky, hindi ko alam ang maari kong maitulong para sa iyo." malungkot kong sabi, kusang pumatak ang kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Pakatapos ng eksenang iyon, hindi na muna ako pumasok ng bahay. Nais kong magpahangin sa nangyaring hindi kanais-nais sa buhay ng naging kaibigan ko.

"Hihintayin kong muli ang pagbabalik mo kaibigan." mahina kong salaysay at napatingala sa langit.

Sa hindi kalayuan ng aking paglalakad ay may napansin akong tila lahat ng makikita ko ay nagbubulong-bulongan.

Hindi ako ang pinaguusapan, lalong hindi ang kaibigan kong kakahuli lang kundi sa taong binigay ko ang buong sarili ko.

"Binibini, dyaryo para sa lahat upang sa balita ngayong araw." pagabot sa akin ng matandang nagbibigay ng mga impormasyong nangyayari sa bayan.

Kita ko agad ang mukha ng aking kaibigan na kakakulong lamang at ngayo'y naikalat na sa balita ang nangyari.

"Pa-paano? hindi siya maaaring ma-mamatay." gulat kong saad sa isa ko pang balitang nasilayan.

Patay na si Reyven, binaril siya sa tangkang pagtakas sa mangyayaring kasalan sa itinakdang babae para sakanya.

"Hindi nagsisinungaling ang taong minahal ko, ang taong pinaramdam sa akin na kahit sa maikling panahon ay mahalaga at mahal niya talaga ako." saad ng isipan ko, napaluhod ako sa panlulumo.

Pinagtitinginan na ako ng tao sa paligid, nanginginig na ang sistema ko sa mga balitang natuklasan ko.

"HI-HINDI PATAY ANG MAHAL KO!" sigaw kong pagsabi, hindi totoo ang balita. Alam niyang papatayin siya kaya hindi siya magtatangkang hindi sumipot sa usapan.

Naririnig kong sinasabi ng taong nasisiraan na ako, wala na akong pakealam sa paligid ko.

"MAHAL NIYA ANG BUHAY NIYA, ma-mahal niya ako..." mula sa pasigaw hanggang sa paghina ng saad ko, malungkot ang maririnig mong tinig ko.

Makasalan ba ako? nagkulang ba ako? ginawa ko naman ang lahat para sa ikabubuti ko lalo na ng mga mahal ko.

Sumasakit na ang ulo ko, ramdam kong nanghihina na ako pero pinipilit ko namang ipasok sa isipan ko na kasinungalingan lamang ang lahat.

"Oh diyos ko, kulang pa ba ang pasakit mo? ibuhos mo na ng hindi na ako mabigla sa susunod." paguutos ng isipan ko, nanlalabo na ang paningin ko.

Face DrawWhere stories live. Discover now