VIA'S POV
"Ate, gising..." pagpukaw sa aking mahimbing na pagtulog, kita ko naman na ang kambal pala ang tumawag sa akin.
"Tara na po." pagaaya sa akin, pansin kong madilim pa ang paligid at tulog pa ang lahat.
"Bakit ang aga niyo?" pagtatanong ko rito, walang sagot ang natanggap ko mula sa kanila kundi ngiti sa mga labi nila.
Inilahad naman ng kambal ang tigisang kamay nila sa akin. Mukhang gusto na nila akong bumangon.
"Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong ko ulit sa mga ito, pangalawang beses na hindi ulit sila nagsalita.
Hinawakan naman nila ang magkabila kong kamay at inalalayan para tumayo na siyang tuluyang nagpabangon sa aking pagkakahiga.
Naglakad kami palayo sa aming mga kasamahang tuluyan pang natutulog, kita ko ang saya nila sa kanilang mga mukha.
Mistula namang nakikipaglaro ang mga alitaptap sa paligid ng gubat na ito, napakagandang senaryo na akin ngayong nakikita.
"Ate, pikit po kayo." paguutos nila sa akin, nawala naman ako sa pagmamasid sa mga nagiilawang insekto.
Inilagay naman nila ang mga palad ko sa aking mga mata na tinabunan ang aking paningin sa lahat.
Naramdama ko naman na papalayo sila at unti-unti na ring nawala ang mga tunog ng yapak nila sa kinaroroonan ko.
Dahan-dahan ko namang inalis ang pagkakatakip sa mga mata ko at wala na ang kambal sa aking paningin.
"Te-teka, paano sila nagkaroon ng mukha. Alam kong isinumpa kami." biglang bulalas ko sa aking realisasyon sa mga pangyayari.
"Jel... Jem..." pagtawag ko sa kanilang pangalan, walang sumagot at nagpakitang kambal sa aking harapan.
Bigla naman akong kinabahan sa aking kinatatayuan, bakit naririto ako sa hindi ko malamang parte ng gubat.
May umagaw naman ng pansin ko sa gubat, isang paru-paru na patungo sa aking pwesto.
Palapit ng palapit ang paru-paru hanggang sa dumapo ito sa aking mukha. Dama ko ang maliliit na galamay nito sa aking ilong.
"Napapad ka rito, magandang paru-paru." busal ko sa aking pagkatuwa, nanlamig naman ang aking mga paa ng makita ko na kumakapal ang hamog sa gubat.
Napadako naman ang paningin ko sa aking harapan, wala na ang paru-parung nakadapo sa aking mukha.
Nagulat na lamang ako sa taka ng may biglang tumulo sa aking dibdib na likido, tila galing ito sa parte ng aking ilong.
Hinawakan ko naman ang likudo at napagalamang dugo ang tumulo. Idinako ko naman ang mga palad ko patungo sa aking ilong.
"Bakit may dugo sa aking ilong ngunit hi-hindi galing sa mismong butas nito." pagsasaad ko, tila galing iyon sa paru-parung dumapo sa akin.
"Anong nangyayari?" kabang tanong ko ng makita kong mabilisang nawala ang hamog sa gubat.
Lumantad naman rito ang mga bangkay, bangkay ng mga kasamahan ko na nakakalat sa paikot sa aking kinatatayuan.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.