VIA'S POV
Lumipas ang buwan sa pagaalaga ng batang nasa sinapupunan ko. Araw man o gabi, laging nagpaparamdam ang batang nasa loob ng aking tiyan.
Mga galaw niyang alam kong nais na niyang lumabas, nais na nyang masilayan ang mundong aking gingalawan.
Dumating din ang araw ng pagluwal ko sa batang na abandona ng kanyang ama ngunit na andito parin ang mapagmahal ng kaniyang ina.
"Umere ka misis upang makalabas na ang anak mong matagal mo ng inalagaan sa tiyan mo." saad ng aleng nagpapaanak sa akin.
Nanghihina na ako, pinipilit ko namang ilabas kaso hindi sapat ang pwersang ibinibigay ko.
"Misis, hingang malalim at iere mo." paguutos niya sa akin, ginawa ko naman kaagaad ang mga bagay na iyon.
Natawag ko na ang lahat ng santo't santa para lamang mailuwal ko ang bata ito sa mundo.
"Mi-misis, walang mukha ang anak mo!" gulat niyang saad ng mairaos ko ang panganganak ko.
"Paano? normal naman ako, bakit kailangan pa itong mangyari sa anak ko?" takang tanong ko sa aking isipan.
Naguguluhan na ako at nadamay pa ang anak ko, hindi ko man lang masilayan ang kalagayan ng supling ko.
Hindi ako makabangon sa pagod at nakapikit lamang ako upang mabawi ang lakas ko.
"Misis, malusog ang bata at babae ang kasarian nito ngunit parang hindi humihinga." saad ng nagpaanak sa akin, simula nga ng mailabas ko siya ay wala akong marinig na ingay niya.
"A-ale, itabi niyo ang bata sa akin. Nais kong maramdaman ang balat niyang nakadikit sa akin." paguutos ko rito, hindi ako makahagulgol sa pangyayari.
Napaluha na lamang ako habang inisip ko ang sinabi ng ale na walang malay ang iniluwal kong sanggol.
Nagpaalam na ang ale, nagbigay din siya ng pakikiramay sa anak ko. Hindi maaring patay ang anak ko.
"Ramdam kong buhay pa siya ng inilalabas ko sa aking pagkababae, hindi totoo ang lahat ng ito." saad ng isipan ko, walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
"Wala na bang katapusan ang parusa mo? MAHAL KO ANG ANAK KO OH DIYOS KO! Mas mahal ko pa siya kesa sa buhay ko." pagmamakaawa ko.
Siya na lang ang natitira kong lakas kung kayat nais kong mabuhay sa mundong lagi akong iniiwan.
Pagod na pagod na ang sistema ko, ipinatong ko naman ang hintuturo ko sa mga palad ng anak ko dahil iyon na lamang ang magagawa ng lakas ko.
"Anak, hinintay kita ng siyam na buwan dahil akala ko'y magiging katuwang kita hanggang sa huli kong hininga." pakikipagusap ko sa bata.
Pumikit na lamang ako sa pait ng araw na isinilang ko ang anak ko. Buwan ng agusto at ika dalawangput-pito sa araw na ito.
Isinilang ngunit namatay, napamulat ako bigla ng aking mga mata. Mga maliliit na daliri na pumulupot sa hintuturo ko.
"Bu-buhay ka, anak ko." maligaya kong sabi, pinilit kong tumagilid upang masilayan ang ganda ng anak ko.
Napakaganda ngunit walang parte ang makikita sa kanyang buong mukha. Asul na buhok na tulad ng dagat sa kailaliman ang itsura nito.
"Anak, pasensya huh' huwag na huwag mo kong iiiwan." pagpapaalala ko sa walang puwang na supling sa aking tabi.
Mabilis na tumakbo ang oras at nabawi ko na rin ang lakas ko. Mag gagabi na ng makagalaw ako sa makakaya ng katawan ko.
YOU ARE READING
Face Draw
RandomA girl with imperfections but nothing to criticise. She's not a monster nor whatever you think. We can call as disabilities but she has inside magic.