Chapter 2: Day & Past

32 1 0
                                    

8 YEARS LATER

RITCH'S POV

"Good morning!" sigaw ko pagkabangon sa higaan. Hays, ang saya mabuhay sana naabutan ni inay ang araw na ito.

Dali-dali akong nagayos ng higaan at pumunta sa harap ng bintana. Napakaganda ng kalikasan, napakatahimik at tila walang gulo.

Napangiti na lamang ako ng dinadama ang dampi ng hangin sa blangko kong mukha.

"Oh Ritch, mabuti't gising kana. Mukhang ang saya ng dalaga ko ah." saad ni tita Vicky sa baba ng puno.

"Tita, namitas po ba kayo ng mga gulay? mukhang kumukonti na lamang po habang tumatagal ang inyo pong napipitas." saad ko sa aking tita.

Napasimangot naman ang itsura ng aking tita, tila nadismaya sa mga nangyayari.

"Ano kayang problema?" takang tanong ng aking isipan.

"Oo anak, kukonti na lang dahil madaming sinisirang gulayan sa labas ng bayan. Nakakapeste nga eh kayat madaming nagugutom kasi yung dapat taniman eh tinatayuan ng mga buildings." saad ni tita.

Mukhang iritado ang tita ah. Hmmmp, may naiisip ako.

"Tita?" pagkuha ko ulit ng atensyon ni tita, sabay pa cute ng mukha. Nakakatuwa kahit wala akong mukha, sige pabebe na lang ng katawan.

"Oh? Bakit gumigiling ka dyan na ani mo'y kinurot ka sa tagiliran." Oh diba, kahit walang ekspresyon may body language naman.

"Tita, ma-maaari po ba akong lu-" Hindi na ako pinatapos ni tita. Alam na toh.

"HINDI!" singhal ni tita. Ay ang taas ah, high pitch agad si tita. Nagtatanong lang naman eh. Wait, isa pa.

"Tita, kaarawan ko naman po ngayon. Ibibili ko lang naman po kayo ng paburito niyong ubas sa bayan." mahihin kong paliwanag, baka naman gumana diba.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni tita. Mukhang nakukonsensya si tita, please' tita please'

Tiningnan niya ako sa mata, mukhang magsasalita.

"Sige' papayagan kita-" naputol ko dahil sa saya.

"Ahhh!" omg, lalabas ako.

Face DrawWhere stories live. Discover now