Mico's Point of View
"Ahmm I don't regret the kiss" I confessed
" Let me go Mico" He said coldly without looking at me.
" Not until you forgive me (: "
" I forgive you jerk 🤨"
"So let me go now !"
I did what he asked me to do and sana totoo na napatawad na niya talaga ako.Ginalingan ko naman kaso parang di niya nagustuhan o hindi niya talaga ako gusto?):
Dahil sa gustong-gusto kong patawarin niya ako ay ako lahat ang nag asikaso ng mga requirements niya,pumila ako ng napakatagal, pila doon pila dito at Baby Gelo naman ay nagpasyang umuwi dahil may emergency daw sa bahay nila, tinanong ko kung anong nangyare ngunit umiwas siyang sagutin ito.Naiintindihan ko naman yun.
Hayys 6:00pm na di pa ako tapos ): gagabihin na ako sa paglalakad neto, biglang pumasok sa isip ko yung itim na van kaninang madaling araw kaya bigla akong natakot, gustuhin ko mang sumakay na lang ng jeep ay wala akong sapat na pera para pambayad ng pamasahe dahil naibili ko na ito ng regalo kay nanay dahil nga Mothers' Day ngayon.
Pero ayos lang marami naman sigurong tao mamaya.Natapos ko yung requirements ni Baby Gelo ng mag aalas syete na kaya nagmamadali na akong umalis sa school para makauwi na kaagad ng aming bahay.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang lumingon lingon sa paligid,nakakakaba ma'y tinahak ko ang daang wala man lang katao tao kaya nakakatakot talaga, sa gitna ng aking paglalakad ay may naririnig ako na parang may binubugbug pero di ako sigurado ngunit palapit ng palapit at palakas din ng palakas ang mga boses na aking naririnig at nang naglaon ay natanaw ko ang mga ito , hindi nga ako nagkamali may bugbugang nagaganap dito, nagtago ako sandali sa isang pader ng poste para hindi nila ako mapansin, at makita.
" Ano huh ! Sabihin mo sa amo mong espasol nagkamali siya ng kinalaban !! " sabi nung isang lalakeng nakasombrero na medyo may edad na.Kung di ako nagkakamali siya siguro ang boss nila.
"Opo , sasabihin ko po pakawalan niyo na ako ! Maawa kayo sakin" sabi ng lalaking binubugbug nila ngunit hindi ko maaninag ang itsura niya ,dahil natatakpan siya ng mga lalakeng nambubugbug sa kanya,sa tantya ko ay nasa syam sila.
"HAHAHA sige papakawalan na kita sa impyerno !" pagkasabi niya nun ay isang putok ng baril ang aking narinig at sa sobrang gulat ko ay nagalaw ko ang isang plastic ng basura, kaya lalo akong kinabahan dahil baka narinig nila ako.Tagaktak ang pawis ko, pinilit kong itinago ang sarili ko , at pinilit ko ring wag gumalaw kahit ang daming ipis at daga rito.
Bigla din silang natahimik at naririnig kong may mga papalapit na yabag sa aking kinaroroonan , sa mga sandaling ito iniisip ko kung susuko ako o tatakbo ko ng napakabilis, ngunit may baril sila.Naguguluhan ma'y pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili.Focus Mico, focus.
"Boss mukhang may nakakita ah, yari tayo nito" narinig kong sabi nung isa sa tauhan niya.
"Kung meron man at kung sinuman yan barilin sa bungo HAHAHA"
BINABASA MO ANG
Anghel Na May Sungay ( Completed )
RomancePaano pag yung taong gusto mo ay may itinatago palang masamang lihim ? Mamahalin mo pa ba kahit sa likod ng kanyang maamong mukha ay may bahid ng kasakiman at galit ? Handa ka bang kalimutan at isantabi ang kanyang mga masamang nagawa para magkaroo...