Parang siya yung lalakeng nakita ko nung may binugbug at pinatay ah, siya nga hindi ako pwedeng magkamali.Delikado na talaga sa labas ngayon at pati sa loob ng bahay ay kung papatayin ka , papatayin ka talaga kahit sang lungga ka pa.Nag-aalala tuloy ako kay Baby Gelo kase mayaman siya , hindi malayong pagtangkaang pagnakawan o kaya kidnappin para sa pera.Hayys ):
.........
Mico's Point of View
Kakatapos ko lang magluto ng uulamin namin ngayong gabi, at ang niluto ko ay Chicken Adobo , yummy diba ? Kaseng yummy ko.Ehem.
Inihanda ko na yung hapagkainan para makakain na din kami at mag aalas otso na.
"Nay ! Mica kain na baba na kayo nakahain na ang pagkain" pagtawag ko sa kanila.
Baka nagtataka kayo kung bakit ako ang nagluto at naghanda ng lahat kase diba dinalaw nga ako ni Baby Gelo kaya sinisipag ako (: Kaya dapat lagi niya akong dinadalaw para lagi din akong dinadalaw ng kasipagan (:
"toktok"
At dahil hindi pa naman nakakababa sina nanay at Mica ay kaya tinignan ko kung sino yung nakatok.
"Sino yan ?" tanong ko pero di ko pa binubuksan ang pinto kase mahirap na kailangang mag-ingat, di rin naten masabi baka may magtangka.
"It's me Angelo" sagot naman niya na ikinagulat ko, kaya imbis na buksan ko ay hindi ko alam kung anong gagawin ko kase kinakabahan ako na excited.Alam niyo yung feeling na yun diba ? Yung di ka mapakali tapos minsan nanginginig pa.
" Are you gonna open this fuckin' door ? Or I'll wreck it myself ? " nahimasmasan naman ako sa sinabi niya , nawala ako sa wisyo , boses niya palang yun ah pano pa kaya pag siya na mismo.
Pagkabukas ko ng pinto ay bigla siyang natumba sakin.
" Are you okay Angelo? " I asked worriedly
"Laseng kaba ? Huh ?" tanong ko ulit sa kanya ngunit bigo akong makatanggap ng sagot mula sa kanya.
"Nak jusko si Angelo ba yan ?" nakakakabang tanong ni nanay
" Ay cutie ah " sabi naman ni Mica.
"Opo nay si Angelo ito, lasing ata biglang natumba at nawalan ng malay ng pinagbuksan ko ng pintuan" pagpapaliwanag ko naman.Nag-aalala ako sa kanya dahil hindi naman siya nag-iinum , I mean naglalaseng .Hindi eh, hindi talaga siya nainum ng alak kase may allergy siya sa alak.
" Ganun ba anak, iakyat mo muna siya sa kwarto mo para makahiga siya ng maayos " agad ko namang sinunod ang iniutos ng nanay ko.
" Nay okay lang ba kung magpapabili ako ng gamot para sa sakit ng ulo o kaya lagnat at gamot sa allergy " pakiusap ko kay nanay.
"May allergy kase siya sa alak nay , amoy alak kase siya"
" Walang problema anak " wika ni nanay.
...............
3hrs laterAlas onse na ng gabi ngunit hindi pa nagigising si Baby Gelo ):
"Baby Gelo alam mo ba gusto kita, gustong-gusto kita (: How I wish na sana magustuhan mo din ako , pero alam mo ba nung una kitang makita haha late ka nun sa first subject naten tapos Filipino pa kaya hirap na hirap ka , Di ko maipaliwanag kung bakit kita nagustuhan kahit minsan ang sungit mo, kahit minsan di kita maintindihan, pero kahit ganun I accept everything about you, everything" bulong kong sabi sa kanya habang inaayos ko yung buhok niya.
Baka bukas na siya gigising kaso baka di pa kase siya kumakain ): medyo payat na nga siya tapos di pa siya kakain , di pwede sakin yun.Hangga't nandito ako, aalagan kita Baby Gelo.
" You like me ? "
BINABASA MO ANG
Anghel Na May Sungay ( Completed )
RomancePaano pag yung taong gusto mo ay may itinatago palang masamang lihim ? Mamahalin mo pa ba kahit sa likod ng kanyang maamong mukha ay may bahid ng kasakiman at galit ? Handa ka bang kalimutan at isantabi ang kanyang mga masamang nagawa para magkaroo...