Chapter 37 ( Nightmare )

408 14 2
                                    

Mico's Point of View

Habang nag-iisip ako ay naramdaman ko na lang na may kumakagat sa leeg ko,  at alam ko na ang ibig sabihin nun , inaantok na siya (: ang baby ko talaga kawawang leeg ko ginawang pampaantok pero ang sweet at napakaromantic.

..................

Sa pagdaan ng araw ay isang hindi inaasahang mensahe ang natanggap ko lingid sa kaalaman ni Baby Gelo dahil ayaw ko siyang mag-alala.

At ito ang mensahe:

" Isang magandang umaga Mico alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayare ,para sa kaalaman mo parte ka lamang ng mga plano ni Angelo sa katunayan ay may mabigat siyang kasalanan sa iyo at sa iyong pamilya, malalaman mo kung ano ito kapag makikipagkita ka sa akin.Wala akong balak na saktan ka si Angelo lamang ang aking nais pero kung haharang ka sa pagpatay ko sa kanya ay wala akong magagawa kundi idamay ka at ang pamilya mo, ayoko sanang mangdamay ng mga inosenteng kagaya mo pero dahil nadamay ka na, sasabihin ko sayo ang buong katotohanan.Ito ang address .................... Sabado,Alas onse ng gabi.Lilinawin ko lang na dapat ikaw lang mag-isa"

Kinakabahan ako ,dapat ko bang sabihin ito kay Baby Gelo? Ano ang kasalanan niya sa akin ? Sa amin ?Wala naman akong maalalang may nagawang masama sa min si Baby Gelo.

Naguguluhan man ay di ko to pinapahalata sa kanya dahil ayoko siyang magtanong at maghinala.

" Thinking out loud ? " he asked while playing with my hair.

" I was just thinking about us being married (: " I lied

I am sorry I need to lie kase gusto ko ding malaman ang totoo, gusto kong malaman kung ano yung kasalanan niya.

I looked at him worriedly sana wala kang kasalanan baby Gelo ): lalo na sa pamilya ko sana wala dahil ayokong masira kung anuman ang meron tayo ngayon, mahal na mahal kita.

" Baby Gelo ? "

" Yes ? " his response

" Mahal na mahal kita (: "

" Mahal na mahal din kita (: "

................

Ilang gabi na akong di makatulog dahil sa dami ng iniisip ko, at si Baby Gelo naman ay umalis kasama si Harry may aasikasuhin lang daw siya.Di ako mapakali , gusto kong malaman ang totoo pero natatakot ako, di ako natatakot mamatay natatakot akong malaman ang katotohanan ): Katotohanan na baka iquestion ko ang pagmamahal ko kay baby Gelo.Ayoko siyang masaktan dahil marami na siyang masasakit na pinagdaanan pero kase ang hirap.

Pero bahala na kailangan kong malaman para ako ay malinawan .

Sa kakaisip ko ay nagpasya muna akong matulog para mamayang alas onse ay may lakas akong pupunta.

.............

" Tulungan niyo ako !! " sigaw ng isang pamilyar na boses , Tatay ?

Nang walang anu-ano'y hinanap ko ang pinanggagalingan ng tinig na iyon, bawat hakbang ko ay palakas ng palakas ang tinig na aking naririnig.Hindi ko malaman kung nasaan ako pero para itong abandunadong warehouse ,

" Tay !! " sigaw ko ngunit echo lang ng tinig ko ang narinig ko, biglang nawala ang tinig at kinakabahan ma'y pinasok ko ang isang daan kung saan may naririnig akong mga boses na nag-uusap hindi ko mawari kung ano ang kanilang pinag-uusapan kaya't minabuti kong lumapit ng tahimik para hindi nila ako mahalata.Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko na parang mga drums na nag-uunahan sa pagtugtug.

Maya't maya pa ay may nagsalita  si tatay

" Parang awa niyo na wag niyo akong patayin may pamilya po akong binubuhay " pagmamakaawa ni tatay

" Hindi po ako magsusumbong basta palayain niyo ako " dagdag pa ni tatay, tila nagmamakaawa para sa kanyang buhay.

" Kung bubuhayin naten siya baka sumabit tayo " sambit ng isang maliit na lalake na nakaagaw ng aking pansin dahil sa kamukha niya si Baby Gelo pero parang hindi dahil may hikaw ito at di ko pa nakitang nagsuot ng hikaw si Baby Gelo.

" Hindi dapat naten siya idamay dahil alam kong natatakot siyang magsumbong lalo na't madadamay ang pamilya niya pag nagsumbong siya " sagot naman ng nakatalikod na kaseng height ni Baby Gelo yung may hikaw.

Nanlaki ang aking mga mata ng itutuk ni Baby Gelo ang baril sa noo ni tatay at ng walang anu-ano'y pinutok ito bumulagta ang ang katawan ni tatay na walang buhay.

" Waggggggg !!! "

................

Author: Just wanna say thank you for the votes and comments and please do follow me (: nakakataba po kayo ng puso (: muaahhh

Anghel Na May Sungay ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon