Chapter 6 ( Bully )

909 30 0
                                    

Mico's Point of View

Kakatapos lang ng Philosophy subject namin hayss ang hirap naman ng sitwasyon ko, puro kapalpakan.

Makakain na nga muna at dahil napansin kong kunti lang ang kumakain sa canteen kaya nagpasya akong kumain dun at ang baon ko? Nilagang itlog at may sawsawang bagoong.hmmm sarap.

Para makatipid ay nagdadala na din ako ng inuming tubig para na din malinis ang katawan.hahaha

Nang makahanap ako ng mauupuan ay nagpasya na ako magsimulang kumain dahil nagugutom na din talaga ako.

" Hey pare magiging apat itlog mo niyan HAHAHA "

Sila na naman naku pag tong mga mayayamang 'to pinatulan ko baka umiyak sila na parang mga tuta.

Pero dahil ayoko ng gulo at baka mawala sakin ang scholarship ko ay yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Di ka pinapansin pare oh baka gusto niya pa ng itlog HAHAHA"

Panggagatong pa nung isa niyang kasama bali apat sila akala mo F4 mapuputi lang naman di naman mga kagwapuhan.tsk tsk

'Di ko pa rin sila pinansin kase titigilan din ako ng mga 'to pag tahimik lang wag ng patulan.

" Ah di ka talaga sumasagot ah !"

At bigla niyang kinuha yung baunan ko at itinapon ito sa sahig, tumingin ako sa kanya na parang walang nangyare pero sa totoo lang gustong-gusto ko siyang gulpihin.Nakakapikon 'tong mga 'to hindi naman inaano eh.

Kaya nagpasya akong pulutin na lang yung tinapon niyang baunan,ulam,kanin at kutsarang dala ko.At napansin ko na lang na ang dami na pa lang estudyante na nanunuod sa ginagawa nila saken, di man lang nila inaawat parang mga takot .

Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyare, bigla akong tinadyakan ng isa sa kanila kaya sumubsub ako sa sahig pero okay lang yun, wag kang lalaban Mico , okay lang yan isipin mo na lang panaginip lahat ng ito, hindi ito totoo, hindi sila totoo.

" what now ? You loser !? Lumaban ka !"

Inayos ko yung sarili ko at kukunin ko na sana yung baunan ko nang bigla may sumipa rito, nararamdaman ko na dumadami na ang mga matang nakatingin kaya, nagsimula na akong maawa sa sarili ko.

" tama na hindi ko naman kayo inaano eh "

Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha ngunit huli na ang lahat , di ko na napigilan pa, di ko na kaya yung pang gagago nila sakin kahit gustuhin ko mang lumaban ay hindi pwede mawawala yung scholarship ko at ayoko yung mangyare dahil lang sa mga masasamang taong to.

" Because you don't belong here , tignan mo nga sarili mo ang dugyot dugyot mo, ang baho baho mo !"

Hindi ko mapigilang tumingin sa aking physical na itsura, ): dugyot nga siguro ako pero hindi ako mabaho.

" Ikaw nga ang yaman yaman mo ang baho baho ng hininga mo !"

Di ko na napigilan ang sarili kaya sumagot na ako total yan naman ang gusto niya ang sumagot ako.

Dahil sa sinabi kong iyon ay nagtawanan ang mga estudyante na nanunuod sa amin

"How dare you !"

Bigla niya akong sinuntok at ginaya na din ng mga kasama niya , suntok tadyak, sipa ang inabot ko kaya ang ginawa ko na lang ay ang magtakip gamit ang aking kamay at braso.

Nararamdaman ko ang bawat sakit sa mga ginagawa nila sakin, pero di ko yun iniinda ang gusto ko lang naman ay ang makatapos ng pag-aaral at para matupad ko yun , wag pansinin ang mga bagay na hindi makakatulong.

" Enough "

Isang mahinahon ngunit pamilyar na boses, at biglang nagsitigil ang nambubugbug sakin.

" And who do you think you are ? You can't stop us you small kid "

" Really? "

............

Anghel Na May Sungay ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon