Chapter 21 ( Unexpected )

515 20 0
                                    

Mico's Point of View

"Regalo niya sakin"

" Ano nak ? Regalo ? Sobra naman ata siya magregalo " gulat na tanong ni nanay

"Sabihin mo sa kanya kahit dito na siya tumira" pabirong sabi pa nito pero alam ko na kahit walang ibibigay si Baby Gelo ay papayag siya na kahit dito na ito tumira

" Nay naman, nakakahiya nga eh ibabalik ko yan nay "

Pwede naman niya akong regaluhan pero wag naman yung ganito kamahal pero mas mahal ko siya..Ayiieee

"Sya nga pala nay----" hindi ko na natapos dahil may kung sinuman ang nagpaulan ng bala dito sa aming bahay, dahil sa biglaan ang mga nangyare ay biglang dapa na lang kaming tatlo at sa gitna nito ay nagsiliparan at nagsitumbahan ang mga gamit dito sa bahay at sigurado na pati yung kotseng bigay ni Baby Gelo ay natadtad na ng bala, sayang hindi ko man lang naprotektahan ang regalo ni baby ,pero di bale na babawi na lang ako kung makakaligtas pa kami dito.

" Dumapa kayo nay ,Mica dumapa ka !!! " sigaw ko kase sobrang dami ng putok na naririnig ko hindi parin sila tumitigil.

Nang matapos ang pagputok ay biglang may mga armadong lalake at may dalawang babae na pumasok sa loob ng bahay at napansin ko na lahat sila ay may tattoo sa kanilang mga mukha.

"Buhay ang nawala kaya buhay din ang kukunin ko" sabi ng isang lalakeng matangkad at parang nasa edad 20 lang ito.

"Ano ba bitawan mo 'ko !!!" narinig ko at lalo akong kinabahan ng malaman kong si Mica ito na hawak sa leeg ng matangkad na lalake.

"Anak !!!" nag-aalalang sigaw ni mama na umiiyak na.Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Lalapit sana si nanay ngunit tinutukan ng baril ng isang babae si nanay sa ulo.

"Maawa kayo samin wag niyong sasaktan ang nanay ko at kapatid ko, parang awa niyo na" naiiyak kong pagmamakaawa.

"HAHAHA poor baby you have to choose , isa sa kanila ay kailangan ng mamatay !!" nakakatakot niyang sabi.

Pero mas natatakot ako sa mga maaaring mangyare kase bakit kailangan kong mamili ? Hindi ko kaya ): nawalan na ako ng ama pati ba naman sila kukunin niyo sakin?

" 'Wag sila, ako na lang di sila kayang mawala " I cried

"Nak hayaan mo na ako, ako na lang tutal matanda na ako dun din naman ako papunta nak , basta lagi niyong tatandaan mahal na mahal ko kayo, pakatatag kayo lalo kana Mico para sa kapatid"

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni nanay, bakit kase kailangang mangyare to, bakit pamilya ko pa ? Wala naman kaming ginagawang masama ah nagpapakahirap ang nanay ko para maitawid ang araw-araw na pangangailangan namin tapos kukunin niyo siya? Tanginang buhay to !!!!!

"I think that's final (:" nakangiting sabi nung matangkad na lalake

Sinenyasan niya yung babaeng nakahawak kay nanay.

" Nay !! Wag !! " sigaw ko at dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni nanay.Ngunit bigo akong mapuntahan si nanay dahil pinigilan ako ng iba pang armadong lalake at sa tantya ko ay nasa 13 silang lahat at hindi ako sigurado kase baka may kasama pa sila na nag-aabang sa labas.

" Say goodbye to your nanay (: HAHAHAHA "

Pagkasabi niya nun ay nakarinig ako ng putok ng baril kaya agad akong nagtakip ng tenga at pumikit dahil hindi ko kayang makita ang nanay ko sa ganitong sitwasyon, nasasaktan ako, lalo akong nasasaktan.Kusang nanlumo ang mga tuhod ko dahilan para bumagsak ako sa sahig, ang sakit sakit ! Bakit si nanay pa ?): Bakit di na lang ako !?

Anghel Na May Sungay ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon