Kaso baka kase iwasan niya ako at ayokong mangyare yun, kaya ang hirap ding umamin maling galaw ko lang posibleng mawala lahat ng pinagsamahan namin.
.............
"Nak bumangon kana jan diba aalis ka ngayon?"
Inaantok man ay agad akong bumangon.Baby Gelo I'm comin'
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong bumaba para kumain ng agahan na inihanda ni nanay.
Habang nasa hapag kainan kami ni nanay ay di ko maiwasang magtanong at manghingi ng payo.Buti na lamang at tulog pa ang kapatid kong si Mica na Grade 7 palang ngayong susunod na pasukan, May na kase kaya bakasyon pa rin ng elementarya at magpapasukan ngayong buwan ng Hunyo.
"Nay pano pag may nagawa kang kasalanan bukod sa sorry ano pa pwede mong gawin para mapatawad ka niya?" nahihiya man ako sa aking nanay ay kinakailangan ko ng kanyang payo dahil makakatulong ito para mapatawad na ako ni Baby Gelo sa kasalanan ko.
"May nagawa ka bang kasalanan anak ?" I nodded ):
"Sinasadya mo ba yung kasalanan mo?" pang-uusisa sa aking nanay.
Hindi na ako nakaimik kase maski ka sa sarili ko di ko maamin na ginusto at sinadya ko yung nangyare samin ni baby Gelo.
"Anak ang salitang "sorry" ay para lamang sa mga bagay na hindi mo sinasadya, hindi para sa mga bagay na paulit-ulit mong ginagawa"
Tama si nanay ):
"Nay pano kapag ,nagawa ko yun kase gusto ko siya?):" I almost cried asking that question): Ang hirap kaseng itago yung tunay kong nararamdaman lalo na pag lagi kaming mag-kasama.Ang hirap magpretend na hindi mo gusto yung tao kase bukod sa mapagbigay ay napakabait pa niya.
"Oh anak 'wag ka ng umiyak kalaki laki mong tao oh, di bagay sayo (: basta lagi mong tatandaan anak na ang tunay na pagmamahal , hindi nakakasakit"
"tahan na" hindi ko na napigilan ang pagtulo na aking mga luha pero buti na lang nandito di nanay para damayan ako,mula sa pagkakaupo ay tumayo si nanay para yakapin ako.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko pag nawala si nanay sa buhay namin bukod sa siya ang the best mom ever ay sya din ang bestfriend ko , sa kanya ako lagi nagsasabi pag may problema ako o kaya naman pag masaya ako lahat na ata nasabi ko na kay nanay (: Kaya habang nanjan pa ang nanay niyo make them feel na importante sila, na may nagmamahal sa kanila.
"Happy Mothers' Day nanay"
BINABASA MO ANG
Anghel Na May Sungay ( Completed )
RomancePaano pag yung taong gusto mo ay may itinatago palang masamang lihim ? Mamahalin mo pa ba kahit sa likod ng kanyang maamong mukha ay may bahid ng kasakiman at galit ? Handa ka bang kalimutan at isantabi ang kanyang mga masamang nagawa para magkaroo...