Chapter 14 ( Caught )

640 28 1
                                    

"Kung meron man at kung sinuman yan barilin sa bungo HAHAHA"

...............
Mico's Point of View

Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganung bagay, nakakatakot pala talaga, hindi mo alam kung ano ang una mong gagawin ,kung sisigaw ka ba o tatakbo habang sumisigaw, hindi ko nga alam kung alin ang mauuna.

Mabuti na lang at may mga pulis na dumating bago nila ako makita, salamat sa nagsumbong sa mga pulis utang ko ang buhay ko sa kanya, ngunit nakatakas ang mga nambugbug at pumatay sa lalakeng iyon.Bakit kaya siya pinatay ? Sino yung espasol ? Anong kinalaman niya sa lalaking pinatay at sa mga lalaking pumatay? Hayss nakakatakot na talaga sa labas ngayon.

"Nak may naghahanap sayo ,kaklase mo daw..Papapasukin ko na ah" pagtawag sakin ng nanay ko.nakapagtataka dahil wala namang nakakaalam ng bahay namin maski kay Baby Gelo ay hindi ko nababanggit kase di naman niya tinatanong.

Kaya dali dali akong bumaba at di na ako nag-abala pang tignan ang sarili sa salamin dahil wala naman akong pakialam sa itsura ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si Baby Gelo na nakaupo sa pahabang upuan namin na gawa sa kahoy habang magkausap sila na aking nanay.

Bigla akong nacurious kung ano ba ang itsura ko kaya dahan dahan akong bumalik kaso huli na dahil nakita na ako ni nanay.

" Oh Mico nanjan kana pala,halika na dito hindi mo naman sinabi na may dadalaw pala sayo edi sana nakapaghanda ako "

" Ah eh kase nanay, saglit lang magdadamit lang ako " nakakahiya ang suot ko , boxers lang tapos ang gulo pa ng buhok ko, kaya yung isa kong kamay ay sa baba tapos yung isa ko pang kamay sa katawan ko naman nakatakip.Nakakahiya talaga kay Baby Gelo(:

" Nak wag na paghihintayin mo pa tong kaklase mo, halika na dito at ibibili ko kayo ng makakain " Wala na akong nagawa at sumunod sa iniutos ni nanay, nahihiya man ay umupo ako sa katapat na upuan ng inuupuan ni Baby Gelo.

Napansin ko na nakatingin siya sa katawan ko kaya ako din ay napatingin din sa katawan ko baka kase may dumi.Hmmm

"ehem" pagputol ka sa katahimikan.

" Uhmm I'm sorry , Am here to ask if you completed my requirements yesterday ?" ayan na naman siya umiiwas ng tingin ,kung saan saan nalingon.

" Yes, It's done. "I answered

" uhmm how did you know my home address ?" nakapagtataka lang kase kaya di ko maiwasang tanungin.

" Ahmm it's uhmm in your I.D " oo nga ano Hahaha

Kanina ko pa talaga nahahalata pasulyap sulyap siya sa katawan ko sabay iwas ng tingin pag nahuhuli ko siyang nakakatingin.Alam ko namang masarap ako (: joke wala nga akong abs eh.

Mapagtripan nga 'tong Baby Gelo ko.hmm

" What !?"
Kunware di ko narinig yung sinabi niya kaya lumapit ako sa kinaroroonan niya.(:

Kaso nasobrahan ata sa lapit , kasi yumuko ako para magkalevel yung mukha namin at nagulat ako kase sobrang lapit.

" Ahmmm uhmmm " naiilang niyang sabi.Hindi siya makatingin sakin kung saan saan siya lumilingon

Nginitian ko siya , yung nakakalokong ngiti (: nag eenjoy talaga ako kapag ganitong naiilang siya Haha ang cute kase.

Ngunit nabigla ako ng mas ilapit pa niya yung mukha niya sakin , at ngumiti siya.Hinawakan niya ang ilong ko at pinisil ito.

"Jerk " he blurted

"Excuse me Mico, I think your mom needs my help" pagkasabi niya yun ay tumingn agad ako sa likod ko at nandito na nga si nanay hawak hawak ang mga pinamiling pagkain.

" No, Just stay here " inilayo ko na yung mukha ko at naglakad na para tulungan si nanay.Sigurado ako mamaya magtatanong si nanay sa nakita niya.Hindi naman ako nahihiya kase nanay ko siya hindi niya ako huhusgahan (:

At kahit anong panghuhusga pa ay hindi ko papansinin.Puso ko 'to, at alam ko kung sino ang tinitibok nito.

To be continued..

Author: I would like to say thank you sa mga nagbabasa ng story ko and sa mga naglaan ng oras para magvote.I highly appreciate all of you for appreciating my work.I will try my very best para makapag update on time (:



Anghel Na May Sungay ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon