Mico's Point of View
" Angelo ang laki naman ng bahay na 'to (: "
"Mas malaki yung sayo (:" he smiled and wink saka siya umalis papunta sa bahay.
Ano ang ibig niyang sabihin ? Anong sakin? Hayyss
Dahil pagod din ako sa byahe ay hinayaan ko na lang kung ano ang malaking sinasabi niya, baka matangkad ? Matangkad ako eh (: kayumanggi, masarap.(wink)
Kung gaano kaganda sa labas ay mas higit na mas maganda ang loob nito, pagpasok mo ay ang napakalawak na sala at sa kanang bahagi ay nandun naman ang hagdan , may mga statue na nakadisplay at halatang mamahalin , parang hindi naman niya binili ,baka family house nila ito.
" Nak ang ganda naman ng bahay na ito , dito ba talaga tayo titira?" hindi makapaniwalang sabi ni nanay
" may free wifi pa kuya (: " masayang sabi naman ni Mica ,hayss palagi na namang puyat tong kapatid ko kakachat sa kung sinu-sino.
" Oy ikaw Mica ah baka magdamag ka na naman kakawifi mo !" suway naman ni nanay.
Pagkatapos ng usapang iyon ay umakyat na kami sa taas kung saan matatagpuan yung mga kwarto, bawat pintuan ng kwarto ay may nakabantay na lalake na nakauniporme ng itim.Sila siguro yung mga bodyguards na hinire ni Baby Gelo.
Bawat room ay may pangalan na nakalagay sa may pintuan , unang room para dun sa driver ni Baby Gelo, pangalawang room naman ay walang nakalagay, para san kaya yun?
Sunod na room ay kay nanay , sunod naman kay Mica.Bat wala ang pangalan ko kaya nagpasya akong bumalik baka sakaling room ko yung walang pangalan.
" Pre bakit wala akong room baka jan talaga ako?" tanong ko sa bodyguard na nakabantay dun sa pintuang walang pangalan.
" Pasensya na sir pero ang bilin samin ni Sir Angelo ay dun daw po kayo sa pinakadulong room " sagot naman niya.
Speaking of Baby Gelo bigla siyang nawala , san kaya siya pumunta hayss baka lumabas na naman yun hindi man lang nagpaalam, wala din yung driver niya.
Agad ko namang tinungo ang pinakadulong room kase gusto ko na ding magpahinga, pagod na pagod ako.
"Good evening Sir pasok po kayo "pagbati ng bodyguard na nagbabantay dito. Tumango na lamang ako bilang pagtugon dito.
Pagkapasok ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko at sa totoo lang kwartong ito sobrang lawak parang isang bahay na namin to, kompleto sa gamit dito ,may ref., may desktop computer, may TV , may Radio din meron ding videoke ba 'to?(: tas may piano at marami pang iba.
Pagkaayos ko ng gamit ko ay agad ko hinubad ang mga suot ko at pinalitan ko lang ng boxers para presko ang tulog.Agad akong humiga at di na namalayan pa ang sumunod na nangyare.
.....................
Sa gitna ng aking pagtulog ay bigla akong naalimpungatan dahil parang may nakayakap sakin, at hindi nga ko nagkamali meron nga at ng lingunin ko kung sino ito ay walang iba kundi si Baby Gelo (: heart heart
Ang sweet naman ng baby ko di niya ako pinatulog dun sa isang kwarto para magkatabi kami (:
Hindi ako nakatiis kaya hinalikan ko siya sa noo as a sign of respect, I respect him not because I love him but because he deserved it, how I wish to have him as my lover, ako na ang pinakaswerteng lalake sa mundo pag nangyare 'yon. ayoko na ng "You and I" kase may "and" sa pagitan namin gusto ko "us" just "us".
" I love you Baby Gelo and Cute night " I whispered.
I pulled him closer to me, yung di na kami mapaghihiwalay.At pumikit na ako habang nakangiti alam ko iniisip niyo na para na akong baliw pero mararanasan niyo din ito (:
.........................
" Cute morning forever " pagbati sakin ng aking baby Gelo.
We kissed
" Cute morning too forever " pagkasabi ko nun ay isang halik na naman ang aming pinagsaluhan, madiin at naglalagablab sa init ang aming paghahalikan na para bang wala ng bukas....
Ay pota akala ko totoo na panaginip lang pala yun ): akala ko naghahalikan talaga kami , tapos forever pa tawagan namin hmmm hayss , nang lingunin ko siya sa tabi ko ay wala na siya, panaginip din ba iyon ? Paano nangyare yun eh nahawakan ko nga siya tapos hinalikan ko pa siya sa noo.
Natulala na lamang ako sa mga nangyayare, di ko na alam kung alin ang totoo at hindi, hindi ko namalayan ay bumalik na pala ulit ako sa pagtulog.
Author: Sorry guys ngayon lang nakapagupdate): Salamat pala sa mga nagvote, sa nagcomment at sa new follower ko (: muaaahhh
BINABASA MO ANG
Anghel Na May Sungay ( Completed )
RomancePaano pag yung taong gusto mo ay may itinatago palang masamang lihim ? Mamahalin mo pa ba kahit sa likod ng kanyang maamong mukha ay may bahid ng kasakiman at galit ? Handa ka bang kalimutan at isantabi ang kanyang mga masamang nagawa para magkaroo...