" Mico stop "
Ugh , ano ba pinaggagagawa ko? Ang tanga tanga ko naman sinisira ko pagkakaibigan namin eh, ang libog mo Mico !.
Agad akong lumayo sa kanya at tumingin ako sa sahig kase nakakahiya talaga, hindi ko dapat ginawa yun paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
"Ang tanga mo Mico ! Ang tanga tanga mo !" sabi ko sa sarili ko, at dahil nagiguilty ako sinampal ko pa sarili ko.
" Look Angelo I'm sorry ): I didn't mean to- "
" Leave " he said without even looking at me, nakatingin lang siya sa mga daliri niya na pinaglalaruan niya.
"Look I'm really sorry ): we're still friends right ?):"
Please say yes ): I'm sorry I really do.Bakit ko ba kase ginawa yun ? Ang bobo ko naman.Hayss nasa huli talaga ang pagsisisi.
"Just fuckin' go Mico !" he is mad now ):
Wala na akong nagawa kaya umalis na ako kahit labag sa kalooban ko, ito yung unang beses na may hindi kami pagkakaintindihan dahil sakin, kasalanan ko ang tanga tanga ko.
Bago ako tuluyang makaalis sa kwarto niya ay tinignan ko muna siya habang nakasimangot, alam ko na alam niya na nakatingin ako, please tumingin ka naman sakin Baby Gelo ): kahit isang sulyap lang oh. ):
Pero wala talaga kaya nakayuko akong umalis at umuwi sa bahay ang saklap naman ng nangyare.
Linggo pa naman ngayon magsisimba pa naman sana kaming dalawa kaso hindi na natuloy dahil sa kagagagawan ko.
Sana kausapin niya ako sa school bukas, gagawin ko ang lahat magbati lang kaming dalawa.Ay alam ko na kung paano ako babawi (:
Dahil completion of requirements na namin bukas , ako na lang pipila para sa clearance niya, ako na magcocomplete ng requirements niya para hindi na siya mapagod kase kawawa naman ang baby Gelo ko pag pipila siya mangangalay lang ang mga paa niya at maaarawan lang siya dun.
Kase sa totoo lang siya lang ang naglakas loob na kaibiganin ako kase yung iba ayaw sakin gawa mahirap daw ako, dugyot daw ,bobo, jologs.Pero hindi ako nalulungkot dahil sa siya lang kaibigan ko, nalulungkot ako kase hindi ko masabing gusto ko siya kase sino ba naman ako para magustuhan niya diba?
Ano kayang gagawin ko ngayon? Gusto ko siyang makausap kahit saglit lang gusto ko lang iparamdam sa kanya kung gaano ako sincere.
After kong mag-isip kung tatawagan ko na ba siya o hindi kase kanina pa ako palakad lakad dito sa kwarto ko, hindi ako mapakali, gusto kong malaman kung okay lang siya ):
Kaya kahit natatakot man ako na baka hindi niya sagutin ay nagdecide akong tawagan na siya.
Alerting......
Please answer my call baby Gelo ):
Hindi niya talaga sinasagot nakailang tawag na ako, wala pa rin.Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayare ):
"Nak kain na" tawag sakin ng nanay ko na nasa baba.
"Opo nay maya na po ako kakain" sagot ko naman kase wala talaga akong ganang kumain, kailangan ko si baby Gelo siya kase appetizer ko(:
"Sigurado ka nak?" paninigurado ng nanay ko.
"Opo nay busog pa po kase ako" agad ko namang isinagot kahit gutom na gutom ako kay Baby Gelo ): miss ko na agad siya samantalang kanina magkasama lang kami.
Aamin na ba ako na gusto ko siya? Kahit malabong maging kami, kahit malabong magustuhan niya ako.):
Kaso baka kase iwasan niya ako at ayokong mangyare yun, kaya ang hirap ding umamin maling galaw ko lang posibleng mawala lahat ng pinagsamahan namin.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Anghel Na May Sungay ( Completed )
RomansaPaano pag yung taong gusto mo ay may itinatago palang masamang lihim ? Mamahalin mo pa ba kahit sa likod ng kanyang maamong mukha ay may bahid ng kasakiman at galit ? Handa ka bang kalimutan at isantabi ang kanyang mga masamang nagawa para magkaroo...