Kabanata 3

250 8 1
                                    

Sorry

3:30 pm
That's the time when I check the wall clock in our kitchen. Kakatapos lang namin mag-bake ni mommy ng cookies, pini-prepare nalang namin ito at nagtitimpla ng juice.

"Bilis, Anak, baka pauwi narin sila, Ihatid n'yo itong ibang cookies sa kanila." sabay bigay sakin ni mommy ng tupperware na may lamang mga cookies at inabutan niya naman si clara ng isang pitcher ng apple juice.

"What?! Why me?" gulat at nagtataka kong tanong dahil pwede namang iba, bakit kailangan ako pa ang maghahatid?

Inirapan lang ako ni mommy at iminuwestura nang lumabas and she even mouthed "go" at me tsaka pinanlakihan ng mata dahil hindi man lang ako kumilos

Bumusangot ako atsaka nagmartsa palabas ng kitchen papuntang labas ng mansion. Just wow! Mommy, nag-stay nga ako dito para mag-bond ta'yo tapos uutusan mo lang pala akong pumunta ng clubhouse para dalhan ng cookies sila kuya?!?

Nakalabas na ako ng mansion nang may maramdamang nagpayong sakin. Nilingon ko si Kuya Manuel na isa sa mga boy namin. Siya ang nagpapayong sakin at ng makitang lumingon ako sakanya ay ngumiti lamang siya ng tipid.

"Ma'am, pag nagswi-swimming po ba ang mga lalaki... ehh, nakahubad ang pang-itaas??" biglang tanong ni clara na nasa kabilang gilid ko lang pala. Pinagi-gitnaan nila ako ni Kuya manuel

Nagulat ako sa naging tanong niya pero agad ding nakabawi "H-hindi ko alam, Clara."

tumikhim pa ako at kinunot ang noo para malaman niya na ayoko nang makipag-usap ngunit tila manhid siya at humagikhik pa na tipong kinikilig at nagtanong muli

"Nako, Ma'am kc! Baka hindi ako makatulog ng maaga mamaya kapag nadatnan ko sila dyllan na walang saplot ang pang-itaas!" nakatingin pa siya sa kawalan at parang tangang nagngingiti habang ini-imagine ang mga sinabi niya

Inirapan ko lang siya ng binangga-bangga niya pa ako, kulang nalang alugin niya ako sa pagka-kilig

Akala ba ni clara na tropa niya lang ako para casual na makipag-usap sakin ng ganito??

"Clara, tigilan mo ang kahibangan mo. Mahiya ka't si ma'am kc ang kausap at ginaganyan mo."

Saved by the bell! Nginitian ko si Kuya manuel sa sinabi niya

Lumiko kami at pumasok sa gate ng clubhouse. Nagpaalam naman kami sa cashier at lifeguard na maghahatid lang ng pagkain kaya pinapasok na kami

Pagkapasok namin ay si Kuya Kd at Kuya Jayden lang ang nasa gilid ng pool na nagku-kwentuhan

"Kuya! Kain muna, nagpadala si mommy ng cookies at juice para sa inyo." tawag ko sa kanila mula sa cottage

Umahon naman sila at ng makalapit ay tsaka ko nga napansin ang pag-iibang kulay nila, though bagay naman sakanila... mas lalong naging masculine at attractive silang tignan

Nagkumpulan naman sila sa lamesa at gumilid ako para hindi masiksik at madampian ng tumutulong basa sa kanilang ulo at katawan

Nang may biglang naramdaman na brasong bumangga sa balikat ko para kumuha ng cookies ay nakapitan ako ng basa nito.

Agad akong nainis at nilingon kung sinong tangang dumikit sakin nang basa!

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon