Kabanata 11

146 6 0
                                    

Support

"From the top!" sigaw ng trainor namin matapos magkamali ni jennie 

"Jennie, ayusin mo naman! Matatapos na ohh!" sigaw ni mika

Hinawakan ko si mika sa balikat atsaka nagsalita

"Wag na tayong magsisihan. Gawin nalang natin ng matapos na." sabi ko sabay punta sa unang pwesto sa sayaw

Matapos namin magawa ang mga routine at steps hanggang sa dulo ng kanta ng maayos at malinis ay agad kaming pinalakpakan ng mga adviser at trainor namin

"Good Job, Everyone!" maligayang bati ni Teacher Lyn

Naupo naman kami sa sahig habang pinapakinggan ang mga bilin at payo ng trainor naming bading

Nasa court kami ngayon ng school. may sched bawat grade level kung saan magpapractice at ngayong last practice na namin ay nasakto kami sa court

"Section 3, maari na kayong umuwi. Magpahinga para makakuha ulit ng lakas ng loob hah," pamamaalam naman ni Sir Vincent sakanyang class advisory

Tumango at nagsitayuan na ang section 3 para makaalis na

Sunod naman na tinawag ang section 2 ni Teacher Lyn atsaka nagbilin din at pinauwi ang section 2. Apat na tao lang ang hindi sumali sa sayaw at yun ay ang JACK dahil busy na daw sila sa practice

Kinuha ko na ang bag ko at naglakad papunta sa comfort room para magpalit ng damit. Sumunod naman sakin si Mika

"Ang daya talaga niyang sila Jackson! Dinadahilan pa ang pagpapractice ng JACK!" angil ni mika ng makapasok kami sa magkatabing cubicle

"Sus! gusto mo lang makasama si clement, ehh! yaan mo na, syempre pagod din sila sa ginagawa nila kaya wala na silang time para sumali pa sa sayaw!" natatawa kong paliwanag

Hindi naman siya sumagot

Lumabas na ako ng cubicle at nag-ayos ng konti sa mukha bago mag mirror shot. bigla namang lumabas si mika sa kalagitnaan ng pagpipicture ko

"Hey! Sali ako!" sabay pose niya rin sa tabi ko kaya sinali ko na siya

Tinignan ko ang mga mirror shot namin at namili ng pinaka maayos. nang may makita ay agad ko itong pinost at naglagay ng text

"Done at practice!"
#Pagodisreal @Mikaela.A

Yun lang at nagsimula ng maglakad palabas

Nang pagbuksan ako ng pinto ni Manong Percy ay tumunog ang phone ko

Pumasok muna ako sa loob ng kotse bago iyon binuksan at nakitang Ig notification na naman

JBbelcher replied to your story

@JBbelcher
"We're almost done. Want to eat somewhere?"

Agad akong nagtipa ng irereply sakanya ng mabasa iyon

@KheilaValentina
"I'm okay, Jackson, we are tired. Magpahinga nalang muna tayo."

After i send it I turned off my phone.

"Kuya, are you ok? Do you have a problem?" tanong ko ng maabutan na naman ang lasing na si Kuya Kheonn

Tatlong beses ko na siyang naaabutan na maraming alak sa glass table ng aming sala tuwing gabi. Ayokong mangealam dahil panganay siya at kung ano man ang ginagawa niya, Alam kong may rason kaya hinahayaan ko na siya at pinipigilan nalang ang sarili kong magtanong pero ngayon... hindi ko na ata napigilan

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon