Kabanata 14

127 5 0
                                    

Back

"Did I look okay?" tanong ko kay mika habang naglalakad kami papuntang arena. We're late!

"Yes you are!" sagot niya naman at inayos pa ang sash na sinuot ko nung rumampa dahil kailangan suot parin daw namin iyon ngayong awarding

Naka Sando top ako na plain black na naka tuck in sa Mom Jeans ko  at naka white plain vans naman ako sa aking paa

Hinagod ko ang buhok ko na naka High ponytail at naka kulot sa dulo bago makapasok ng arena

I felt relief nang maabutan naming kakababa lang ng SSC President at pinapwesto na ang mga Representatives sa gitna ng court kaya dumiretso narin ako dun

Nginitian ko ulit ang mga naging katabi ko noong rumampa na katabi ko na naman ngayon

"Are you all ready? Who will it gonna be? Do you have a bet?"
banggit ng MC na nakapag-pahiyaw sa lahat

Lahat kaming representatives ay naka pantalon dahil yun ang nirequired ng A&D at kami na daw bahala sa aming pang-itaas

Nilibot ko ang aking mga mata at nakita ang tatlong section ng GRADE 10 na sama-sama sa isang side. Napadpad pa ang tingin ko Kay mika na kasama si Ali at Jackson kaya ngumiti ako sakanila bago bumaling ulit sa harap

"Wag na nating patagalin pa, Our Muse of the Year is....." pagpapa-sabik pa ng MC

"The Grade 10 representative! Kheila Coreen F. Valentina, Congratulations!" pagpapatuloy nito

Nanlaki ang mga mata ko pero agad ding nakabawi at umabante paharap atsaka tinanggap ang sash at trophy na iginawad sa akin

Ngumiti ako sa mga nag-abot sakin at nagpasalamat tsaka tumingin sa harap para sa picture taking

Umalis na ang ibang mga representative sa court habang ang iba naman ay lumapit sakin para batiin ako

Hanggang sa makapunta ako sa aming pwesto ay panay ang bati sakin kaya panay din ang ngiti at pasasalamat ko sakanila

"Congrats, sissy! my god! I knew it!" sabay yakap sakin ni mika kaya niyakap ko siya pabalik at nagpasalamat din dahil kung hindi dahil sakanya wala siguro akong magandang costume nung araw ng ramp.

Binati rin ako ni Ali kaya tinanguan ko siya at nginitian pagtapos no'n ay bumaling na ako kay Jackson na kanina pa nakatingin sakin.

"Congrats! I'm so proud of you," bati niya sabay akbay sakin at abot ng maliit na bouquet ng flowers.

Nagulat ako pero tinanggap din iyon "Saan 'to galing?" nakangiti kong tanong sabay amoy pa doon

"I guess from me? Cause I'm the one who gave it." he said sarcastically

Tumawa ako kaya inilingan niya nalang ako. Pagtapos no'n ay nagpicture kaming apat sunod naman ay dalawa kami ni mika at dalawa kami ni JB hanggang sa solo ako.

"So what do you think will be next?" tanong ng MC

Nakaupo na kami ngayong apat at nanonood na sa next na aawardan

tapos ng mag-award sa Dance Competition at ang nanalong champion ay Grade 9. Nakakalungkot man para samin pero ayos lang, ganun talaga.

binalingan ko ang oras at nakitang
2:13pm na

buti nalang ay nakaabot talaga kami ni mika kanina dahil naghanap pa kami ng subway para may maayos na kakainan kaninang lunch, yun nga lang nalate kami at 'di naabutan ang opening but it's okay.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon