Fireworks
"Hanggang 3 tickets lang ang pwedeng kuhanin ng bawat person. So.. ilan sa'yo ate? Ako na bahalang bumili cause I know busy ka pa sa hospital." sambit ni Khinn sa kabilang linya
Inisip ko muna kung sino ba ang dapat kong isama bago magbigay sakanya ng tamang bilang dahil baka masayang ang ticket.
"Sa Saturday ba ang Feast day?" tanong ko
Ngumiti ako kay Dra. Christine ng makabalik siya mula sa CR.
"Yes, Ate KC. P-pwede mo namang isama si A-ate Sarah..." tumikhim siya at medyo naramdaman ko ang tensyon ng sabihin niya iyon.
Dahil doon Ay napakunot ang noo ko. Sana lang mali ang iniisip ko.
"Sige, Kung ganoon Kuhanan mo ako ng tatlo. Bye, love you." pagpapaalam ko
"Sige sige Ate KC, Babye, I love you too!" binaba niya na ang tawag Pagtapos no'n.
Sakto namang dumating na si Sarah dala ang mga order namin
"Ito ang pinaka-magastos na pambabawi na naganap sakin!" kunyareng pagmamaktol niya na ikinatawa namin ni Dra. Christine
Mag-iisang buwan na ang nakalipas matapos maganap ang drill. At ngayon ko naisipan na bumawi sakin si Sarah sa pamamagitan ng pag-libre sa amin ng lunch dahil araw-araw niya akong kinukulit at nagsosorry.
At mag-iisang buwan ko narin siyang hindi nakikita.
"Napakaganda talaga ni Mika Amelia, 'no?" namamangha na sabi ni Sarah habang nakatingala sa TV na nandito sa restaurant.
Tumingin din ako doon. Ini-interview si Mika ng isang reporter sa isang event tungkol sa suot niyang evening gown hanggang sa napunta ito sa kanyang relationship status.
R: "Mika, Totoo ba na kaya ayaw mong magkaroon ng ka loveteam ay dahil meron kang non- showbiz boyfriend?"
Napatigil ako sa pagkain dahil sa narinig na tanong ng reporter
Tumawa si mika at mukhang hindi alam ang isasagot sa tanong nang dagdagan naman ito ng reporter
R: "At may kumakalat din na pictures na May minimeet kang isang lalaki sa gabi. Boyfriend mo ba siya?"
Ngumiti si mika bago sumagot sa tanong ng reporter.
Mika: "Yes, actually he is a police. and so? Excuse me." pagpapaalam na nito at naglakad na sa red carpet.
Napalunok ako at napainom ng tubig ng bigla namang magsalita si Dra. Christine
"I saw that picture. Actually last week pa 'yon." sambit niya at nagpatuloy narin sa pagkain
"Weh, Dra. Christine? patingin ako! Gwapo ba yung guy?" curious na tanong ni Sarah
Nagkibit-balikat si Dra. Christine at inilabas ang phone niya.
Inilahad niya iyon samin at kinuha naman ni Sarah. Tumingin din ako para hindi nila mahalatang may kakaiba.
Kumunot ang noo ko ng makitang kuha pa ito sa cctv. Halatang si mika ang babae dahil naka shades lang siya samantalang ang lalaki ay balot na balot ng black outfit.
