Kabanata 22

113 6 0
                                    

Come

"Kheila, If you need to ask... Just call me." Kuya Kheonn said worriedly

Ngumiti lang ako ng tipid. I have a lot of questions in my mind. But I think hindi si Kuya KD ang makakasagot ng mga 'yon.

Nagpaalam na ako sa kanila ni Ate Bella. Nakakahiya dahil nagawa pa nila akong ihatid sa parking dahil lang sa pagkatulala ko kanina.

Habang nagdadrive ako ay hindi ko na naman naiwasang mag-isip.

Sa 6 years na iyon, 3 years pa kaming nakapag-communicate ni mika. Doon pa lang ba... may namamagitan na sa kanila? Anong nangyare kay Ali? Wala naman siyang ibang nabanggit.

Huminga ako ng malalim. at isinantabi nalang muna ang mga iniisip dahil baka madisgrasya pa ako.

-----
"Oh, talaga? inimbitahan din kami ng kuya mo! Kaso si Cindy kase may seminar kahapon... Tapos si Alfinn naman ayaw. Gabi naman pala ginanap 'yun! Edi sana nakapag-half day ako." malungkot na sabi ni Sarah

Kinuwento ko kase sakanya ang nangyare nung party ni Kuya KD maliban sa pagsagip sakin ng pinsan niya at sa part ni mika at dyllan.

"Dra. Christine, tara na!" aya ni Sarah ng makasalubong namin si Dra. Christine

Ngumiti ito at tumango. Sumenyas pa siya na kukunin lang ang wallet atsaka umalis.

"Kumusta ang off mo kahapon?" tanong ni Dra. Christine sakin

Naglalakad na kami ngayon palabas ng hospital para maghanap ng kakainan dahil lunch break na

"Ayos lang naman po." sagot ko

Tumigil siya sa paglalakad kaya ganun din ang nagawa namin ni Sarah.

"Mukha ba akong matanda? I'm just 25. Why are you using "po" at me?" Seryosong tanong niya

Nagkatinginan kami ni Sarah. Magso-sorry na sana ako ng bigla namang tumawa si sarah.

"Hahahaha! Mukha ka kaseng masungit Dra. Christine, ehh." natatawa niya pang sambit

Umiling-iling naman din si Dra. Christine at ngumisi bago nagpatuloy sa paglalakad kaya ganun narin ang ginawa namin.

Nang makadaan kami sa SB ay nagpaalam ako sa kanila na bibili lang ako ng kape at pinauna na sila sa subway.

"One cup of cappuccino!"

Pumunta agad ako sa counter ng marinig ko ang order ko. Kinuha ko na ang kape nang may bigla namang nagsalita sa bandang likod ko.

"Excuse me, That's mine." pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko

Lumingon ako sakanya at agad napangiti ng makumpirma ang boses. Bahagya siyang natigilan ngunit nanatiling kalmado ang kanyang mukha.

"Another One cup of cappuccino for Ms. KC"

Sabay pa kaming napalingon sa may counter. Natawa ako at kinuha ang dapat na akin.

"I'm sorry, Jackson, I thought it was mine." nahihiya kong sabi sabay abot ng kanya

Nanatili siyang nakatingin sakin pero tinanggap din ang kapeng inabot ko.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon