Kabanata 17

117 6 0
                                    

Reality

From Dyllan:
Goodnight! :)

napangiti ako ng mabasa ko ang message ni dyllan at nagreply sakanya

To Dyllan:
Goodnight din! thankyou ulet. :)

pagkatapos kong masend ay pinatay ko na ang phone ko

Gabi na at hindi parin ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama ko. Tumulo ang luha sa aking kaliwang mata ng maalala na naman ang nangyare kanina

"Ang pangalan niya ay Devin Rick Cardinal, isa siyang Chief Superintendent. Si Kuya ang papa's boy kaya pareho silang engineer ni papa. Ako naman, lagi kase akong nagbabakasyon sa probinsya nila papa kaya naging ka-close ko si Lolo. Katulad ng papa mo, Marangal at tapat siya sa serbisyo niya kaya naman sobra ko siyang hinangaan. Duon nasimulan ang pangarap kong maging pulis. Lalo na ng pumanaw siya..." ngumiti siya ng mapait sa huling nasambit

"I'm sorry," sabi ko sakanya at agad naman nawala ang pait sakanyang ngiti kaya nagpatuloy na siya sa kanyang pagkekwento

"Ok lang, Ayon! mas lalo akong napursigi na mag pulis... Kagaya ni lolo, Magiging tapat ako at ibibigay ko ang sarili ko sa aking bayan, Katulad din ng papa mo! mananatili akong marangal para sating bansa." nakatingin siya sa kawalan

Ramdam na ramdam ko ang Kalakasan ng kanyang loob kasabay ng paglakas ng tibok ng aking puso

"Hope you can fulfill your dreams and be successful." nakatingin kong sabi sakanya

Napalingon siya sakin at hinawakan ang aking mga kamay. Napatingin ako doon at mas lalong nasaktan sa mga sumunod na katagang sinabi niya

"Salamat. Sana pag nangyare yun, nandun ka parin." malumanay niyang sambit

Napatango nalang ako sakanya bilang sagot.

I'm sorry...

-----
"Sissy, baka naman nago-over think ka lang?" tanong ni mika matapos ko makwento sakanya lahat ang nangyare. except the kiss.

"Sissy, Ayoko ng maulit yung nangyare kay daddy! The job he wants is so risky! Oo na't sabihin na nating marangal at nakakatulong siya sa bayan, Pero hindi mo maiiwasang mag-isip sa tuwing mababalitaan mo na nakikipag-putukan at nakikipag-pugsaan siya sa kung sino mang sindikato o kriminal. Hindi mo masasabi ang buhay!" frustrated kong sabi atsaka naupo

Bukas na ang graduation namin at eto kami ngayon ni mika na imbis namimili ng susuoting puting dress ay nagtatalo pa kami dahil sa nakwento ko sakanya

"Ano ba kayo? binigyan ka ba niya ng assurance? Did he admit that he likes y-" tuloy tuloy niya pang tanong ngunit pinutol ko na siya

"No." sagot ko at inalala ang ilang beses na pagtatanong kay dyllan kung gusto niya ba ako o may nararamdaman na ba siya para sakin

He will always give me a false answer or he will think it as a joke and at the end he will say "Malalaman mo rin, soon"

"Ohh, hindi naman pala, ehh! Stop thinking things and talk to him!" pangangaral pa ni mika

Magmula ng makauwi kami sa sementeryo ay hindi ko na siya pinapansin kahit na sa school. Nagrereply parin naman ako sa mga messages niya at nagdadahilan nalang kung bakit ganun ako sa personal. I even heard his friends saying that I "Ghosted" him when we passed at them.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon