"Kheila Coreen Valentina!"
Napabalikwas agad ako sa aking kinauupuan ng Sinigaw ng aming Teacher sa Math ang buong pangalan ko
"C-cher? B-bakit po?"
Inirapan niya muna ako bago ako sagutin. Ehh? Attitude?
"Why are you sleeping in my class... again?!"
Napakamot naman ako ng ulo sa sinabi niya. Ngayong week ko lang naman nagagawa ang mga bagay na 'to... paano ba naman kase sa bahay-
"Why aren't you answering me, Miss Valentina?"
Ano ba 'yan! Nakikinig naman talaga ako sakanya noon pa man, kahit na boring at nakakaantok ang mga tinuturo niya, kinakaya ko naman. Kaso, ngayon hindi talaga. Arghh!
"I'm sorry, Teacher Ara." Iyon nalang ang nasabi ko dahil napapahiya na ako sa mga kaklase ko
"You're a graduating student for god sake! Alam kong Second Quarter palang pero dapat kang matakot dahil Grade 10 kana! You shouldn't act that way. Sana hindi na maulit ito. Class Dismissed!" puno ng disappointment niyang sabi
"Sissy, ano bang nangyayare sa'yo? Tama si Teacher Ara, noong nakaraan ka pa natutulog sa klase niya!" tinapik ako ni mika ng bahagya
Hindi ko naman masabi sakanya ang dahilan. Ang nasa isip ko kase baka mapigilan ko pa. Ang pinoproblema ko ay ang pag alis ni mommy, magma-migrate na kase siya sa canada at maiiwan lang ako kay kuya na puro trabaho naman at nagkakasama lang kami tuwing hinahatid at sundo niya ako sa school.
"Naranasan mo na bang mag-isa, Sissy?" tanong ko sa bestfriend kong si mika
"Oo, diba nga nakatira ako sa condo ng mag-isa??" sagot niyang naguguluhan
"Really, Sissy? Anong problema mo? Why are you asking me about being "Alone" thing?" dagdag niya pa
Napabuntong hininga nalang ako "Wala, Sissy. Uwi na ako. May aasikasuhin pa ako sa bahay, ehh." nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas na sa classroom nang hindi na dinidinig ang mga pahabol pa na tanong ni mika. Tinext ko si kuya kd nang makalabas ako sa gate ng school.
To Kuya Kd:
Kuya, wru?
Agad din namang nagreply si kuya, tatlong minuto angmakalipas.
From Kuya Kd:
Why? Uwian n'yo na? I'm on my way, kc.
Naghintay lang ako sa gilid ng labas ng school hanggang sa makita ko na ang Ford na papalapit sakin
