Wakas

227 4 0
                                    



"That's what you get when you don't want to move on."

Napalingon ako kay mika ng marinig iyon mula sakanya. Umupo siya sa katapat kong upuan atsaka sumimsim sa kapeng itinimpla ni Ian.

"Anong ginagawa mo dito? Tapos na shooting?" tanong ko sakanya at nagsimula ng iligpit ang mga papel na may lamang kaso

"Hindi pa, malapit lang kase dito ang next scene na isho-shoot namin kaya naisipan kong dumaan." sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri

Tumango ako at tumayo para ilagay sa cabinet ang mga papeles

"Kumusta na sila tita?" panibagong tanong niya

"Ayos naman, si danica lang ang nangungulit kung kailan ang day off mo dahil may itatanong." Napabuntong hininga ako "Sabi ko nga, ako nalang tanungin niya kase madalas kang busy, Ehh, sabi ba naman na tungkol lang sa babae ang paguusapan ninyo. Ewan ko ba sainyong mga babae."

Tumawa si mika "Hahaha. sabihin mo sakanya, I'll try. How about you?" seryoso niya ng tanong

"Ako? Ayos lang din. Wala namang—"

"I heard na nakauwi na siya," pagpuputol ni mika

Kumunot ang noo ko atsaka siya nilingon. Tama ba ako ng narinig?

"I knew it. Hey, hey! You're so unbelievable! Obvious na hindi ka pa nakaka-move on sakanya!" pahisteryang sabi niya atsaka hinimas ang kanyang sintido

"S-saan mo naman nalaman na nakauwi na siya?" umupo ako sa aking upuan at pinagsalikop ang aking mga daliri

Natutuliro na ako! Sumabog na naman ang maraming pagtatanong sa isipan ko. Ano na kaya ang itsura niya? May jowa na kaya siya? Kilala niya pa kaya ako? Nakaka-nose bleed na ba siya ng tuluyan? Dati kase slight lang, ehh.. baka ngayon full na!

"Bossing, tubig?"

Agad akong natauhan at tiningala si Ian bago tinanggap ang bottled water na inabot niya. Kumuha siya ng donut at nagsimulang mag cellphone.

"I heard it from Ali. I didn't know where he got that information. I guess he had a connection to
some of her relatives." kibit-balikat ni mika

"Bakit, boss? Bumalik na ba yung LOML mo?" sabat ni Ian

"Anong L-O-M-L pinagsasabi mo?" nagtataka kong tanong

"Luh, 'di mo pala alam 'yun? Love Of My Life, bossing!" sabay kagat niya pa sakanyang donut

Babatukan ko na 'to ehh! Pinagmumukha pa akong taga-kweba!

Natawa si mika kaya pareho ko silang sinamaan ng tingin.

- - - - -
Pagbaba ko ng motor ay agad akong sumaludo kay Chief. Tumugon naman ito kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Magandang umaga, Police Captain." bati sakin ni chief at inabot ang dokumento

Agad ko itong pinasadahan ng tingin at natuklasan ang pangyayare sa kaso.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon