Kabanata 21

131 7 1
                                    

Same

"You should come, KC, I know you're free that day." banggit ni Kuya Kheonn sa kabilang linya

Napairap ako. 1 month pa nga lang simula ng makabalik ako sa pilipinas, Ang hectic na kaagad ng schedule ko!

"Kuya, 3 weeks pa lang ako sa hospital! What if..." sambit ko at nagisip pa ng idadahilan. "What if may biglaang nangyare that time? Emergency! tapos kailangan ng dagdag nurse... baka masisante kaagad ako dito!" dagdag ko at bahagyang ngumiti sa dalawang doctor na nakasalubong.

"So when is your day off?" narinig kong bumuga pa siya ng hangin matapos niyang tanungin iyon.

"I think... tuesday? Ang birthday mo ay Saturday diba? I'll treat you next time nalang, Kuya.. I'm sorry! Promise, babawi ako." sagot ko atsaka pinindot ang button sa elevator.

Umoo na si kuya kaya nagpaalam na ako atsaka ibinaba ang tawag.

"Nurse Kheila, Pumunta ka ng ER at i-assist ang mga pulis doon." Bungad sakin ni Dra. Christine ng makapunta ako sa Nurse Station.

Napatigil ako ng ilang saglit dahil sa narinig pero agad ding natauhan ng nagmamadaling umalis si Dra. Christine.

"A-ano pong nangyare sa kanila, Doc?" tumikhim ako para maibsan ang biglang kaba na naramdaman.

Napalingon sakin si Dra. Chrisitine dahil sa naging tanong ko

"Why are you suddenly nervous? hindi ka naman ganyan nung first day mo?" taas kilay niyang pabalik na tanong atsaka lumiko papuntang Emergency room. 

Naunang dumalo si Dra. Christine sa dalawang nakaunipormeng pulis na nakaupo sa magkatabing hospital bed.

"Dra. Olicampo, Silang dalawa ay injured lang pero ang isang 'yon ay mukhang may tama sa may bandang kaliwang tiyan." Sambit ni Nurse Sarah sabay turo pa sa ikatlong hospital bed ngunit natatabunan ito ng kurtina.

Napalingon kami duon ngunit agad ding nalipat ang tingin ko sa isang pulis ng bigla siyang magsalita.

"Ayaw atang magpa-care ni boss, Mga miss. Masungit talaga 'yan at ayaw magpa-istorbo kaya pati dito sa ospital, Ayan! gustong mapag-isa." halakhak pa nung isang lalaki pero agad ding napangiwi at napahawak sa may kanang panga. Agad naman siyang nilapitan ni sarah.

"Sino ba ang gagamot kay Boss, Sarah?" matamlay at medyo Barumbado na banggit pa nung isa.

Pamilyar ang lalaking nagsalita.. Parang may kamukha siya.

"Excuse me? Can you please be a little nice to her? She's working here, not as your servant but to help the people, and a guy like you." masungit na sabi ni Dra. Christine

Tumaas ang kilay nung lalaki atsaka napabaling kay Dra. Christine

"Okay? Ang daming sinabi." sagot at bulong pa niya.

"A-ah, Dra. Olicampo.. he's my cousin kaya po siya ganyan sakin.. But it's ok, po. I'm sorry." nahihiyang sagot naman ni Sarah

Nakita kong napalunok si Doktora at tumikhim bago nagsalita.

"Kahit na. Kaya ko din naman nasabi 'yon kase mukhang ganyan niya i-treat ang lahat." tumalikod na siya pagkatapos ay lumapit sa ikatlong hospital bed at hinawi ang kurtina nito.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon