Craving
"What?! Why me?" sambit ko ng i-nominate ako ng kaklase kong si jasper bilang muse
Napatingin lahat sakin ng marinig ang hinaing ko kaya yumuko nalang ako at nanahimik dahil sa hiyang natamo.
Agad ko namang sinamaan ng tingin si Mika sa tabi ko na binabangga ang aking balikat
Sumenyas siya at ngumuso sa direction ng section 2. Pagkalingon ko doon ay nadatnan kong nakatingin sa'min si jb at natatawa.
Mas lalo akong nainis at inirapan nalang siya. Maya-maya ay tumunog ang phone ko.
From Jb:
Why don't you try it?To Jb:
Hindi rin naman ako mananalo. Mapapahiya pa ako.Matapos kong i-send iyon ay tumingin na muli ako sa harap.
Ang tatlong section ng Grade 10 ay nandito sa canteen dahil hindi kami kasya sa iisang room.
Tinignan ko Ang Board na dala ng Adviser namin at nakitang lima kaming ninominate bilang muse at kailangan pang magbotohan Dahil isa ngalang ang kailangan.
"Hindi pwedeng bumoto ang mga nominees. The Five ladies, please, come here in front." sambit ni teacher lyn na adviser nila jb
Nagdadalawang isip pa akong tumayo pero ng itinulak ni mika ay wala na akong nagawa
Nagpakilala muna kami isa-isa at pangatlo ako kaya nung turn ko na umabante ako ng isang hakbang bago nagsalita.
"Hi! I am Kheila Coreen F. Valentina, sixteen years old, from section 1" Nakangiti kong sambit
Nagpalakpakan sila at umatras na ako pabalik sa aking puwesto. Pagkatapos magpakilala nung pang-lima ay binigay na ang mechanics at sinabi na kahit sino, kahit hindi ka section ay pwedeng botohin.
Nagsimula na ang botohan sa pamamagitan ng paghulog ng papel na may mga first name namin
Pagkatapos maganap ng botohan ay binilang na ng tatlong teachers ang mga papel at ng matapos ay itinaas na ang board na listahan ng bilang ng mga boto
1. Kheila- 27 (Section 1)
2. Venice- 19 (Section 3)
3. Tania- 11 (Section 2)
4. Syth- 8 (Section 3)
5. Haley- 5 (Section 2)Agad akong napanganga ng ako ang may pinakamataas na vote! Wth?
25 kami kada section so 75 kami lahat pero minus na saming lima dahil hindi nga kami pwedeng bumoto!
"Congrats, kheila! You will represent the Grade 10!" sambit pa ni sir vince na adviser naman ng section 3
Napatango nalang ako at ngumisi ng hilaw ng magpalakpakan silang muli. Now I'm doomed!
"It's suits you well!" sambit ni mommy na nasa screen. Ka-skype ko siya ngayon at pinapatingin ang mga sportswear na sinusukat ko na maaring magamit sa sportfest.
Napairap ako. Kanina pa siya nagcocomment ng positive sa mga sinusukat ko.
Paano ko naman malalaman kung ano ang isusuot ko niyan kung lahat ng iyon ay sinabi niyang maganda at bagay sa akin?
"Mommy! Gusto niyo po ba lahat 'yun isuot ko ng isahan sa pagrampa?" naiinis kong sabi