Kabanata 20

127 6 0
                                    

Part

Nagising ako sa ingay mula sa cellphone ni Kuya Jayden

Enemy has been slain!

"Apaka bobo nung fanny!" sigaw pa niya

Napabangon na ako dahil doon. Binato ko siya ng unan at tumingin naman siya sakin gamit ang inis na mukha

"Ano?!" singhal niya sabay kamot sa ulo at baling sa nilalaro

"Ingay mo, Engineer!" sambit ko pa bago kuhanin ang cellphone na nakapatong sa may cabinet

Tinignan ko ang oras at nakitang alas syete na pala ng umaga. Humikab ako at kasabay nun ay ang sunod-sunod na tunog ng cellphone ko dahil sa notification galing sa fb.

Tinignan ko iyon at nakitang puro tag pictures mula sa mga ka-strand.

Tumayo na ako at nagpasyang maligo bago bumaba sa sala.

"Good morning sa kaka-graduate lang namin na senior high!" bati ni mama ng makapunta ako sa kusina

Nginitian ko lang siya at naupo na sa hapag. Masakit parin kase ang ulo ko. Gagong shaun yun! Nilasing ako kagabi!

"Kuya, naiwan mo 'to nung umalis ka kasama mga classmates mo." sambit ni danica sabay abot sakin ng isang maliit na box

Nanlaki ang mata ko at agad na tinaggap iyon. Regalo sakin ito ni kheila!

Binuksan ko iyon. bumungad sakin ang tatlong Nike baller bands. Napangiti ako pero agad ding napalitan ng kunot-noo ng may nahulog na nakatuping papel mula sa box.

Dinampot ko iyon at nagtatakang binuklat.

Dear Dyllan,

Congratulations on your graduation!

I envy you for being an athlete and a good student at the same time.
Me, your friends and your family,
We are always here to support you. I can feel that someday you will be a great police in this country.

Sorry if I wouldn't see it anymore.
Thank you for everything.
Goodbye and take care!

Your pretty neighbor,
Kheila :)

"Congratulations letter o... farewell?" banggit ni papa na sinisilip ang mensahe

Aalis siya? Anong hindi niya na makikita? Anong goodbye?!

Tumayo ako at nagmamadaling kinuha ang susi ng motor sa jar at takbo-lakad na lumabas.

"Dj! Saan ka pupunta? Di ka pa nag-aalmusal!" dinig ko pang sigaw ni mama ng makasakay na ako sa motor at agad na pinaandar ito.

Habang nagda-drive ako papunta sa mansyon nila kheila ay kinakabahan ako. Bawat street na nalalagpasan ko papalapit sa kanila ay mas dumodoble pa ang kaba.

Nang makarating ako sa tapat nila ay agad akong bumaba sa motor. Pinindot ko ang doorbell at agad namang bumungad sakin si Kuya Manuel.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon