Feeling
"Sampung minuto," sambit ng adviser namin na si Teacher Cath pagkatapos niyang bumaling sakanyang relo
3rd and last day na ng exam namin ngayon. Bukas naman daw pag-uusapan kung sino ang ilalaban samin na muse ng buong Grade 10 dahil tatlo ang section, at isa lang ang pwedeng representative kada Grade Level.
"Ipasa na ang mga papel, paharap." sambit nitong muli kaya nagmamadali akong i-check ang test paper ko kung may nablangkohan ba pero ng makitang wala ay ipinasa ko na ito paharap
"You may now go," banggit ni Teacher cath ng matapos kaming magdasal bago umuwi
"Yehey! Tapos na!" masaya at nagtata-talon pang sabi ni mika ng naglalakad kami palabas ng main building
Napangisi lang ako sakanya pero agad ding nawala ng marinig ang idinugtong niya
"Punta tayo sa practice nila Jackson?" nagtaas baba pa ang kilay niya
Kumunot ang noo ko ng may ideya na pumasok sa isip ko. Lagi niya akong niyayaya na manood ng practice nila Jb. Hindi kaya... Tumikhim ako atsaka nagtanong
"May pinupunterya ka ba sa JACK?" tukoy ko sa Banda nila Jb
Nanlaki naman ang mata niya at bahagyang natigilan sa tanong ko
kaya mas lalo lang akong nagduda"W-wala, ahh!" 'di makatingin niyang sabi
Naningkit ang mga mata ko ng mautal siya. Aha! huli ka, pero 'di ka kulong! Sino naman kaya doon? Si clement ba? Siguro.. mga badboy kase ang tipo nitong si mika. Parang baliw.
"T-tara na nga! Punta nalang tayo ng court, balita ko doon nagpa-practice ang GAS!" excited niya pang sabi
Napataas ang kilay ko. Aba nagchange topic? O sige pagbibigyan kita ngayon, madudulas ka rin. Di nalang ako sumagot ng lingunin niya ako ulit atsaka hinila papuntang court
Pagkapasok namin ng Covered Court ng School ay tilian at kiskis ng mga sapatos ang ingay na sumalubong sa amin
"GAS pula! GAS pula! GAS pula! Go! Go! Go!" sigaw ng mga babae na taga Gas Strand
Umupo kami sa pangatlong palapag na bench at sa baba namin ang mga taga gas na nanonood at nagche-cheer
"Nakita mo ba yung humss? Sa field sila nagta-training at balita ko may bago silang Point Guard!
Pogi daw! Sabi ni Raychel,"Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Kinikilig siya pagkatapos sabihin iyun. Sa field nagta-training ang humss? Kaya pala paglinga-linga ko sa loob ng court ay walang ibang senior high kundi ang gas. Siguro binigyan sila ng kanya-kanyang place?
"Talaga? Takas kaya tayo? Tignan natin yung bagong player!" sagot naman nung kausap ng babae
Umirap ako. Mga traydor sa sariling strand! Porke't nalaman na may bago at pogi sa HUMSS!
Nang mag alas kwatro ay napag pasyahan namin ni mika na mag ikot-ikot muna sa buong SLU
Napadpad kami sa may office ng SSC at nakitang may iilang nagkukumpulan sa may bulletin board kaya naki-usosyo narin kami
