Watch
Binalingan ni Dyllan ang kanyang relo bago tumingin kay manong at nagsalita
"Manong, Pwede ko bang hiramin itong alaga n'yo?" sabay turo niya sakin
Kumunot ang noo ko. Saan kami pupunta?
"Ahh... hindi dapat ako ang tinatanong mo niyan," tumingin sakin si Manong Percy matapos niyang sabihin iyon
Bumaling sakin si Dyllan at nagtaas ng kilay na parang naghihintay ng sagot ko
Tumikhim ako atsaka nagsalita "S-saan tayo pupunta?" tanong ko
Ngumisi lang siya at tumingin kay manong. Nagsenyasan lang sila at sa isang iglap ay nakasakay na si Manong Percy at dire-diretsong umalis
Nagtaka ako pero agad ding nawala ng makita kong bumusina si Dyllan sa malayong gilid ko
Dumiretso ako sakanya at umangkas sa likod. Binigay niya naman kaagad ang bag niya pagkasakay ko kaya binigay ko na din ang akin
"Di mo pa ako sinasagot" sabi ko ng pinapaandar niya na ang makina
"Bakit nanliligaw ka ba sakin?" mala inosente niyang tanong
Namula ako kaya hinampas ko siya sa balikat. Napahalakhak naman siya.
Kahit kailan talaga ang lalaking 'to! Di pwedeng mawalan ng biro pagkausap
Maya-maya pa'y nakarating na kami sa village. Saan ba talaga kami pupunta? Agad ding nasagot ang tanong ko ng huminto kami sa tapat ng clubhouse
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko ng makababa
Di siya nagsalita at dumiretso lang sa cashier para magpaalam na gagamitin ang court. Nagulat pa ako ng kilala siya ng nasa cashier. Wow! dahil ba 'yun sa malapit lang ang bahay nila dito? ohh palagi siyang nandito?
Sa tagal ko ng taga Spade Village ni-palagi tinatanong ang pangalan ko pag napunta sa clubhouse tapos siya? parang weeks palang ang nakalipas ng lumipat sila dito, ahh?
kilala na kaagad siya??"Wow!" nasambit ko nalang nung naglalakad na kami papunta sa covered court. Di pa nakakabawi sa pagkamangha at gulat
"Halimaw," Pagkalingon niya saking sabi
"Ano ba talaga ang gagawin natin dito?" nilibot ko ang buong covered court ng makapasok kami. Kaming dalawa lang ang tao dahil Alas singko y'medya na ng hapon
"Panoorin mo lang ako" matikas niyang sabi habang dini-dribble ang bola
Nang hindi ako sumagot at nanatili lang nakatingin sakanya ay saka siya tumakbo para i-shoot ang hawak na bola.
Kumalabog ang sahig nang tumama ang bolang nai-shoot niya.
napatingin siya sakin at napangisiDumiretso siya sa bench na inuupuan ko at ng makarating sa harap ko ay pumamewang siya
"Isang linggo lang ang magiging training namin sa basketball... nung Last last week pa nagawa ang mga jersey ng bawat team at... unang araw palang ng sportfest may game agad kam-" tuloy-tuloy niyang sabi kaya agad ko siyang pinutol