Kabanata 5

203 8 0
                                    

Hate

"Kc, let's go! Mala-late kana sa unang class mo!" sambit ni kuya na mas lalong nagpa-pressure sakin at sunod-sunod na sinubo ang pira-pirasong pancake atsaka uminom ng juice

Unang subject pa naman namin ngayong monday ay TLE at kaklase ko si jb dahil pareho naming kinuha ang ICT/EIM. Si mika naman ay nasa Household kaya nahiwalay sakin.

Nasa labas ng gate nakapark ang kotse namin at hindi sa garahe kaya doon na kami dumiretso ni kuya. Papasok na sana ako ng passengers seat nang may bigla namang huminto na motor sa tabi ko. Napalingon ako sakanya at tinanggal niya naman ang kanyang helmet.

"Magandang Umaga!" bati ni dyllan

Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng pamilyar na polong puti na natatakpan ng kanyang jacket na itim at naka black na pantalon naman sa pang-ibaba. So totoo nga na sa SLU siya mag-aaral, huh? Ehh ano naman na kayang grade niya? I guess he's a senior...

Bumalik ang tingin ko sakanyang mukha na ngayon naman ay seryosong nakatitig lang sakin. Kinabahan na naman ako sa ganung titig niya at bahagyang nanlambot pero agad ding nakabawi ng hindi niya mahalata. Mukhang pinagmasdan niya ako habang hini-head to foot ko siya kanina! Nang makita niyang nakatingin na ako uli sakanya ay napangisi siya.

"Tapos mo na ba akong i-check, madam KC?" he mocked

Tinaasan ko siya ng kilay at tinarayan bago sumakay sa kotse, atsaka kami umalis

Akala niya ba nakalimutan ko na ang nangyare nung sabado? Ni-hindi pa nga siya nagsorry! Ako, oo! Dahil kahit pa-paano'y naguilty akong nahulog kami sa pool ng pawis siya!

Nanlaki naman ang mata ko ng naunahan kami ng humaharurot niyang motor

"Gusto niya bang mamatay?" wala sa sarili kong nasambit habang nakatingin parin sa motor niyang papalayo at pawala na sa aking paningin dahil sa bilis

"Who?" nagtatakang tanong ni Kuya Kd

Umayos nalang ako ng upo atsaka umiling. Nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng school.

"7:09 na, Kc. Late kana. Sige na," sambit ni kuya kd at hinintay ako na makalabas

"Ingat, Kuya! I will text you kapag uwian na namin." sabi ko ng makababa na at tango nalang ang naging sagot niya bago nagmadaling umalis

Pagkarating ko ng main building kung saan ang classroom ng TLE ay agad akong nanlumo ng makitang mahaba ang pila sa elevator kaya hindi na ako nagdalawang isip na gamitin ang hagdan dahil sa 5th floor LANG NAMAN ang Classroom na 'yon!

"You are 15mins late! Miss Valentina," salubong sakin ni Teacher Jane pagkapasok ko sa classroom at naabutan siyang napatigil yata sa kalagitnaan ng discussion

Hinihingal pa ako habang sinasabi ang rason ko na mahaba ang pila sa elevator nitong main building kaya hinayaan na ako ng aming teacher na maupo

"You look like you used the stairs, tho," sambit ni jb sa tabi ko kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mata para manahimik. Natawa lang naman siya at umiling.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon