Kabanata 24

113 6 0
                                    

Stop

Belcher Corp.

Basa ko sa company pagkababa ko ng aking sasakyan. Naglakad na ako papasok at binati naman ako ng Guards na nagbabantay kaya nginitian ko sila pabalik.

"Good morning, Miss," bati ko sa babaeng nasa lobby.

Tumingin naman siya sakin at tumayo bago nagsalita.

"Good morning din po, ma'am. What do you need?" ngiti pa niya

"Ahhm.. Where can I Find JB? I-I mean.. Jackson Belcher." nahihiya akong ngumiti dahil natawag ko pa sa nickname si Jackson.

Nakita kong napawi ang ngiti sa labi ng babae at tumikhim siya. Biglang naging seryoso ang mukha.

"May appointment po ba kayo sa CEO namin?" seryoso niyang tanong at ngayon ay nagtatype na sa keyboard.

Tumaas ang kilay ko. Moody ka girl? Btw, CEO? Si Jackson ang CEO ng kompanya nila?

Napalingon sakin ang babae kaya napatingin din ako sakanya. Tinigil niya ang pagta-type at humarap sakin. tinuon ang buong atensyon.

"Kung wala, maari kang maghintay dito, ma'am." sambit niya sabay muwestura sa isang sofa.

Ano ba 'yan! Dapat pala tinanong ko narin kay Kuya Kiro ang cellphone number ni JB. Kung bakit pa kase ako nag-hesitate ay kasalanan talaga yun ni Kuya Kiro, ayaw ko na kaseng may iba pa siyang isipin kaya Address nalang nitong company ang tinanong ko.

"Ahh, Pwede bang makausap nalang siya sa telephone n'yo? I'm sure papayag siya. Magkaki-" pagpupumilit ko pa pero pinutol niya na ako.

"Wala pa siya dito. At kung magpupumilit ka ay pwedeng-pwede kita ipakaladkad sa security paalis." matalim niya akong tinitigan pagkatapos niya sabihin iyon.

Hinead to foot ko siya bago tumalikod at magtungo sa sofa na itinuro niya.

So mean. tsk! tsk! tsk!

bawat tatlong minuto na lumilipas ay napapalingon ako sa paligid at napapatingin sa bago kong cellphone. Nang tuluyan na maburyo ay napagpasyahan ko nalang na kalkalin ang phone ko.

Saturday na ngayon at Day off ko. pero whole week akong pinayagan na wag nalang pumasok dahil nga sa sunog na naganap. Nakarating pala sa hospital ang balita kaya pinayagan na nila akong mag-leave ng Isang linggo para makapagpahinga o masolusyunan ko ang mga kailangan kong gawin.

Two Days and One night lang ako nag-last sa unit ni Dyllan. Nung wednesday ay sinamahan niya ako mamili ng damit at bagong phone.

Tinitigan ko ang nag-iisang cellphone number na nasa contacts ko.

"Hey! Give it back to me," naiirita kong sambit ng Hablutin ni Dyllan ang bagong bili ko na phone.

Itinaas niya iyon sa ere habang may tinatype. Hindi ko makita ng maayos dahil bukod sa ang taas, eh, tumatalon-talon pa ako kaya hindi malinaw.

"Ayan, tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong." sambit niya sabay bigay sakin ng cellphone

Tinanggap ko iyon at sinulyapan saglit bago bumaling sakanya

"Anong akala mo sakin? Tatawagan lang kita kapag may kailangan ako? Wag na, and as if like you're a Super Hero that One call away." I said sarcastically

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon