Kabanata 29

118 4 0
                                    

Slow

"Ayos ka na ba?" tanong ni harry sakin.

Inabutan ako ni Ian ng kape habang patuloy parin siyang natatawa. Kanina pinipigilan niya pa pero nang makarating kami sa Police Station ay tsaka siya tumawa ng tumawa.

Napansin ni harry ang pagkairita ko kay Ian kaya't hinarap niya ito.

"Ian ano ba? Nagi-imbestiga tayo ng kaso dito!" pagsaway ni harry.

Umiling-iling si Ian at umaktong pinapakalma niya ang sarili niya bago nagsalita.

Napairap na lamang ako.

"Sorry, sorry! Ehh, kase naman busted ako ng pinsan mo kaya dapat malungkot ako pero hindi ko talaga makalimutan yung kanina HAHAHAHA! Ang bossing natin gumaga— Aray!"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil siniko siya ni harry.

Bumuga ako ng hangin at tumingin nalang sa Wall clock nila at nakitang 6am na.

I wonder what his condition in the hospital.

Habang patuloy kaming nagyayakapan ni dyllan ay narinig ko ang mga pamilyar na boses na papalapit sa pinto kaya unti-unti akong humiwalay pero nanlaki ang mata ko ng lalo niya lang higpitan ang pagyakap sakin.

"D-dyllan—" hindi ko naituloy ang sasabihin dahil bumukas na ang pinto.

"Oo nga, Malapit na NBA ulit—"

Bumungad si Harry na tulala samin habang si Ian ay Nakanganga pa dahil sa kwento niyang hindi natuloy.

Dahan-dahang humiwalay si dyllan sakin at prenteng umupo ng maayos.

"Nahuli niyo ba?" He asked like a superior.

Yumuko ako. Everyone is awkward after the scene they saw except kay dyllan na tipong proud pa at parang normal lang ang nangyare.

Muli akong lumingon kay Harry at
nakitang pinapalabas niya na si Ian matapos nun ay bumalik siya sa kanyang puwesto at umupo bago lumingon sakin.

He stared at me with his apologetic face.

"Sorry kay Ian... Kape?" inusog niya ang kape papalapit sakin.

Umiling ako. Nung kumain kase ako kanina nag kape narin ako.

"Mukhang hindi mo naman kilala yung tatlo pero bakit ka ba nila sinundan?" seryoso niyang tanong

Ngayong dalawa nalang kami ni harry ay na-awkward tuloy ako. Naalala na naman yung sa beach. Tumikhim ako bago awkward na sumagot.

"N-nakita kong nagsusunog sila sa may gilid ng apartment.. I didn't know kung intention or w-what.." Yumuko ako para maiwasan ang tingin niya.

"Arson."

Napaangat ang tingin ko sa kanya ng madinig ang kanyang sinabi habang nagsusulat.

"Yun na yun? hindi ka ba nila..
binastos?" Nakataas na kilay niyang baling sakin.

I realize they are different when at work. I mean when I met them without their uniform on, they were just like normal people but when they're on duty they were totally different.

They are serious. It's cool but strange.

"Kheila?" nagtataka niyang tawag sakin

"Hindi.. Tinutukan niya lang ako ng kutsilyo sa leeg tsaka.. tsaka binaril si dyllan." wala sa sarili kong sagot.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon