Leave
"Ma'am, magi-ingat po kayo..." malungkot na sambit ni Clara habang tinutulungan akong magtupi ng damit at ilagay ito sa
aking maletaNginitian ko lang siya ng tipid at inisip nalang kung ano pa ang ibang kulang sa mga dadalhin ko
Maya-maya pa ay may kumatok sa aking kwarto
"Come in," sagot ko habang nag-aayos parin
Sumungaw ang ulo ni Kuya Kheonn at nilibot ang mata sa kalat na nasa sahig papunta sakin
Tumaas ang kilay ko sa pagtataka kaya agad siyang nagsalita
"Let's eat, It's dinner time." Sambit niya na tinanguan ko lang kaya sinarado niya na uli ang pinto
Pagkatapos namin maayos ni
clara ang mga dadalhin ko ay napagpasyahan na naming bumabaPagkadating ko sa Dining ay naabutan kong may kausap si Kuya KD sa kanyang telepono. nagkatinginan kami bago ako maupo sa tabing upuan niya
"I'll hanged up now, Okay, Bye." Pagpapaalam niya sa kausap atsaka tumikhim
Nagsisimula na akong kumuha ng mga pagkain nang mapansin kong nakatingin sakin si Kuya Kheonn
Lumingon ako sakanya at hindi man lang siya natinag
Binaba ko ang mga kubyertos na hawak ko atsaka nagsalita
"What is it? Why are you looking me like that, Kuya?" kunot noo kong tanong
Uminom siya ng tubig at inakala kong hindi niya na ako sasagutin kaya magsisimula na sana akong kumain ng bigla naman siyang magsalita
"Tomorrow is April 9. bakit ngayon ka nag-iimpake?" makahulugang tanong niya
Kinain ko muna ang natigil na ham sa ere at nginuya ito bago uminom ng tubig atsaka sumagot
"Masama ba, Kuya? I'm just so excited!" Tumawa pa ako ng bahagya matapos sambitin iyon
Naramdaman ko paring nakatingin siya sakin. Nilingon ko siya at nakita ang hindi pagkapaniwala niya sa sinabi ko kaya dinagdagan ko ang aking mga salita
"Kuya, I just don't want to rush pagdating sa paghahan-" sambit ko ngunit agad niya ding pinutol
"Bukas din ang Graduation ni Dyllan, diba? Sabi sakin ni Jayden." seryoso niyang sabi
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na siya magawang tignan. Alam kong tinitimbang niya ang mga reaksyon ko kaya naman pinanatili ko ang kalmadong mukha atsaka sinimulang galawin ang aking pagkain ngunit hindi ko naman ito isinusubo
"I know. So why are you saying that to me?" pabalik at inosente kong tanong sabay tingin sakanya
Tinaasan niya ako ng kilay at mas lalong tumimbang ang ekspresyon niyang hindi makapaniwala sa aking sinabi
"Don't use that to me, Kheila. I know you too well." umiling-iling si Kuya KD bago sinubo ang kanyang pagkain
"Talaga bang nakapagdesisyon ka na? Are you really sure that you want to leave?" sunod sunod niya pang tanong
Napayuko ako. sa loob ng Two weeks ay walang araw na hindi ko inisip ang mga mangyayare kung aalis ako at sa pag-alis ko. Wala ring araw na hindi ako pinaalahanan ni Kuya KD at ang pagsabi sakin na Buhay ko naman ito kaya may karapatan akong mamili o magsalita. Marami akong narealize. Tulad nalang ng mas mapapadali at mas lalawak ang kaalaman ko about sa Nursing kung sakali mang mag-migrate narin ako sa canada. Makakasama ko pa ang pamilya ko, tsaka bata pa naman ako... Marami pa akong dapat maranasan at malaman. Marami pang mangyayare.
