Date
"Hi!" bati samin ng isang babae na pinsan ata ni Ate bella ng pagbuksan niya kami ng pinto.
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at isa lang ang nakapukaw sa atensyon ko.
The wedding gown. So gorgeous.
Lumapit ako at hinawakan iyon. Dinama ko ang malambot na tela at napangiti sa magagandang pearl na naghuhugis bulaklak.
"Maganda ba? ganyan din ang reaction ko sa tuwing natititigan ko 'yan."
Napalingon ako kay Ate Bella na tinitignan narin ang gown ngayon.
"Bella, hija!" excited na lumapit si mommy sakanya at niyakap ito.
"You're so beautiful! I hope your marriage life will be happy and successful. Please take care of my son, ok?" naluha pa si mommy sa huli niyang sinabi
Kaya agad na nataranta kami ni Khinn. Lalapit na sana kami sakanya ng pigilan kami ni Ate Bella.
Ngumiti ito ng tipid at hinawakan ang mga kamay ni mommy.
"I will, tita. Thank you!" sambit niya atsaka tumalikod sa amin at nagtungo sa dressing table.
Lumabas na kami dahil magbibihis na si Ate Bella. Pumunta na kami sa tabing dagat kung saan gaganapin ang Beach Wedding.
Maya-maya pa ay pumuwesto na ako sa red carpet para sa entrance ng sabihin na parating na ang bride.
Nagngitian kami ni Sarah na nasa likod ko. Tinignan ko ang partner niya at nakitang pinsan niya ito.
"Sinong partner mo?" tanong ni Sarah sakin
Nagkibit balikat ako dahil wala pang katabi at sinabi naman ni Kuya na sa mismong kasal lang daw malalaman.
Napatingin muli ako sa partner ni Sarah. Maamo ang mukha niya. Naka salamin siya pero hindi mapagkakamalan na nerd. Napansin ko sakanilang magpipinsan na matatangkad sila. Nanlaki ang mata ko nang tignan niya ako.
Agad akong tumalikod at hindi na sana paplanuhing humarap sakanila ng kalabitin ako ni sarah.
"I'm sorry, Kheila hindi ko napakilala sayo ang partner ko haha." mahinang hagikhik ni sarah
Ngumisi lang ako at umakto nalang na walang nangyare
"Btw, He's Steeve. Pinsan ko." pakilala ni sarah sa katabi
Tumango-tango nalang ako dahil sa itsura ng lalaking ito ay mukhang mapapahiya lang ako kung makikipag-kamay pa.
Maya-maya pa ay huminto ang Wedding organizer sa tapat ko na bitbit si Harry.
"Kayo po ang magpartner, Sir." banggit nito at umalis na
Ngumiti sakin si harry bago humarap sa mga pinsan niya at nakipag-kamustahan.
"Ano na namang problema?" pakinig kong sabi ni harry
"May masusuntok mamaya, pustahan tayo." Seryosong sambit naman nung steeve.
"Huh?" naguguluhang tanong ni Harry.
"Stephen is at it again. but now, with the wrong girl!" mahinang sabi ni sarah.
Nanatili akong nakaharap sa harapan at naramdamang natigil sila sa usapan. ngunit napapikit ako ng mariin at hindi naiwasang lumingon. Nadatnan ko silang nakatingin kaila Khinn at sa partner nito.
Nangunot ang noo ko sa pagtataka pero agad ding nawala ng humarang si Harry sa paningin ko. Napalunok ako ng sobrang lapit niya sa akin kaya awkward akong napangiti at dahan dahang lumayo.
