Kabanata 23

119 6 0
                                    

Dark

Nagkamot ako sa ulo dahil sa pagka-boring at frustrated. Kanina pang umaga umalis si dyllan dahil papasok na daw siya sa trabaho.

Buti pa siya! Eh paano naman ako?

Wala akong cellphone o ni wallet man lang! Nakakainis. Naglibot-libot nalang ako dito sa unit niya ng pwedeng pagkaabalahan.

Tinignan ko ang itim na Wall clock at nakitang 5pm palang naman. Tanghali na ako nagising dahil madaling araw naganap yung sunog at hindi ako nakatulog ng maayos.

Napatigil ako nang may maalala

Inilahad sakin ni dyllan ang loob kaya pumasok na ako. Wow! Ang ganda ng unit. Itim at gray ang palette.

"Inaantok ka na?" tanong niya

Napalingon ako sakanya pero agad ding inalis ang tingin. Tumango ako at naupo na sa sofa. Pinagpag ko ito at pupuwesto na sana pahiga ng bigla siyang magsalita

"Anong ginagawa mo?!"

Parang nawala ang antok ko at agad akong napabalik sa pagkakaupo. Nilingon ko siya at agad na napalunok ng makitang kunot noo at iritado siyang nakatingin sakin.

"I-I'm going to sle--"

"Dito ka sa kwarto." sabay bukas niya sa isang pinto

Nagkatinginan kami. Napaiwas na naman ako ng tingin atsaka nagpapanic na tumango.

Tumayo na ako at naglakad papunta sakanya. Nang makalapit ay nauna siyang pumasok kaya sumunod ako

Agad kong nalanghap ang pabango niya ng ilibot ko ng tingin ang kwarto. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto at nilingon niya ako habang may kinukuha sa cabinet.

"Sa kama ka matulog." seryoso at hindi niya na nakatinging sabi

Tinignan ko ang kama. Mukhang Queen size bed naman ito at may sofa bed pa sa gilid.

Napapikit ako ng mariin bago tumingin sakanya at magsalita

"P-pwede naman ako doon," sabay turo ko sa Sofa bed.

Pabagsak niyang sinarado ang cabinet kaya nagulat ako.

"Akala ko ba inaantok ka na?" ramdam ko ang inis sa tanong niya

"Oo nga, pero papaa-"

"Wag kang mag-alala kase papasok na ako ng trabaho. Kung nagugutom ka may mga pagkain sa ref." malamig niyang pagpuputol uli

Tumango-tango ako at pumunta sa may kama kasabay ng pag-alis niya sa kwarto.

Nang maramdaman ko ang antok ko ay bigla namang bumukas ang pinto at sumungaw si dyllan.

"Papasok na ako, babalik din ako."

Dinig ko at isinara niya na ang pinto.

Huminga ako ng malalim. Anong oras kaya siya uuwi? Napailing-iling ako dahil sa naisip. Para naman akong asawa na naghihintay!

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon