Kabanata 6

188 11 0
                                    

Wait

Nandito kami ngayon sa laboratory dahil may group activity kami about sa gaganapin na Science fair

"Kapag may naisip na ang grupo niyo na gagawin o dadalhin, make sure na malinis at hindi palpak." sabi ng teacher namin sa science na si Teacher Mary

Tumunog naman ang phone ko dahil sa isang text. Agad kong nilingon si mika nang makitang sakanya ito galing. Nakasibangot siya sakin at sumenyas na basahin ko ang text niya.

From Sissy:
Gusto ko nang umuwi! Nakakabagot na dito at isang beses lang naman nag-activity! Tapos puro na siya dada!

Natawa naman ako at chineck ang oras bago nagtipa ng isasagot sakanya

To Sissy:
Hayaan mo na! Malapit na mag 5pm, matatapos na yan. 

Pagpapakalm ko sakanya dahil last sub na naman namin ito ngayong araw.


"Class Dismissed!" pinal na sambit ni Teacher Mary atsaka umalis sa classroom

Nilingon ko ulit si mika at nakitang masaya na siyang nagliligpit ng gamit. Napailing nalang ako at nakinig na sa magpa-pray sa harap

"Amen." sabay sabay naming sabi pagtapos mag-dasal at ang iba ay dumiretso agad ng pinto. Inakbayan ako ni mika atsaka kami sabay na lumabas

"Punta ta'yo sa practice nila Jackson?" malisosyang aya sakin ni mika

Hindi ko siya agad sinagot dahil nagte-text ako kay kuya kd.

To Kuya Kd:
Uwian na namin, Kuya :)

Pagkasend ko ay tsaka ko siya nilingon

"Saan ba ang practice nila?" tanong ko sakanya

Lumiwanag naman ang mukha niya na parang nakumpirmang pumayag o sasama ako. Inirapan ko siya

"Nagtatanong lang ako! Susunduin ako ni kuya," sabi ko na nakapag-bagsak ng kanyang balikat

"Ano ba! Minsan ka na nga lang manood ng mga gig niya ehh, tapos ngayon ka lang manonood ng practice niya!" maktol niya sakin na umaakting pa na parang nagtatampo

Pinitik ko siya sa noo at saka nagsalita "Kota na sakin yan! Kung hindi ko lang alam na sumasali ka sa theater, baka naniwala pa ako sayo," sambit ko at ngumuso lang siya sakin habang hinihimas ang parte ng noo kung saan ko siya pinitik

Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone ko sa tawag at pagka-kita kong si Kuya Kd ay agad ko itong sinagot

"Where are you?" dinig ko pa ang ingay sa site ng tinanong niya iyon

"Palabas na ng school, Kuya" sagot kong nahihimigan na ang susunod niyang sasabihin

"I'm sorry, Kc. Hindi kita masusundo ngayon." sabi niya na nagpakumpirma nga sa kanina ko pang naiisip

"Papasundo nalang kita kay Manong Per-"

"No need, Kuya..." tumingin ako kay mika na nakatingin lang din sakin at nag-aabang "Sasabay ako kay mika, may bibilhin lang kami." sabi ko at pinakinggan ang isasagot ni Kuya

I heard him sigh before answering "Ok, take care." sabay baba niya sa tawag

Nasa labas na kami ngayon ng school at sabay pa kaming napatingin ni mika sa nagkukumpulang HUMSS students at maingay na nagtatawanan. Napataas ang kilay ko ng makita kung sino ang nasa gitna at mukhang siya ang pinag-uusapan.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon