Kabanata 27

114 5 0
                                    

Jelous

"Kheila, sandali!"

Dinig kong sigaw ni dyllan sa malayong likod ko. Hindi ako tumigil at mas lalo lang binilisan ang lakad ko.

Maya maya pa ay napatili ako ng bigla niya akong hilahin para huminto.

"Ano ba?!" Gulantang kong tanong

"Anong gagawin mo? Magwawala ka? Sa araw ng kasal ng kuya mo?" seryosong tanong niya sakin

Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya. actually... natauhan ang tamang word.

I almost lost my class! dammit!

Napatingin naman ako sakanya ng bitawan niya ako sa braso.

"Wag ka nalang lumapit kay harry." banggit niya sa gitna ng titigan namin

Tumaas ang kilay ko

"Why?" tanong ko

Napansin ko ang munting pagkabalisa niya at tipong nag-iisip pa ng idadahilan

"P-para..."

"Para??" tanong kong muli

"Para maiwasan ang gulo." napalunok siya at hindi na makatingin sakin.

I rolled my eyes. He's bad at lying.

"Tell me the truth. You're lying." sambit ko at pumamewang.

Ngumisi ako ng makita ang sandaling pagkagulat sakanyang mga mata. Tumingala siya at mariin na pumikit

"Dyllan what is i-"

"Nagseselos ako."

Natigilan ako at unti-unting tumalikod sakanya. Dahan-dahan akong naglakad at hinawakan ang aking dibdib dahil sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok nito.

"Kheila, kung ano man ang iniisip mo samin ni mika... wala 'yun. kung sino man ang nagsasabi sayo ng mga impormasyon na ikakagalit mo sakin ay mali." page-explain niya.

Hindi ako lumingon at patuloy parin na naglakad. Tingin ko ay onting salita niya pa ay agad akong yayakap pabalik sakanya. Si JB nalang ang iniisip ko ngayon.

"Hindi ko ipaparamdam sa'yo na mahal kita kung hindi naman totoo. kahit na umalis ka, nanatili ka sa isip ko. pinanghawakan ko lahat... kaya nung bumalik ka ay ganun nalang ang unang trato ko sayo... sorry." dagdag niya

Nangingilid ang mga luha ko ng harapin ko siya.

"G-galit ka sakin?" tanong ko

Napaawang ang labi niya at nagtangkang lumapit pero agad ko siyang pinigilan.

"Oo... kase umalis ka ng walang paalam." sagot ni dyllan.

"Ginawa ko 'yun para sayo, para satin." nanghihina kong sambit

Umiling-iling siya na parang hindi makaintindi.

"Ano? anong para sakin? satin? b-bakit?" naguguluhan niyang sabi.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mga kamay niya.

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon