Meet
Lumipas ang ilang araw at 'di ko namalayan na Thursday na pala ngayon.
"Si Manong Percy ang magsusundo sa'yo mamaya, Kc." sambit ni kuya ng makapasok siya sa aking kwarto
Tumango naman ako habang nagsusuklay ng basang buhok atsaka naglagay ng onting make up sa mukha
"Kailan ang 2nd Quarter Exam n'yo?" tanong niya namang muli
"Next week and after that..." isip ko pa sa mga next activities namin sa school "Sportfest na namin," dagdag ko pa
Siya naman ngayon ang tumango atsaka nag-aya na bumaba para sa almusal
From Jb:
Morning! We have a long quiz today. Please don't forget.textNapasapo naman ako sa noo ng mabasa iyon. Hindi ako nag-review! Mahirap pa naman magbigay ng quiz si Tr. Jane
After lunch pa naman ang TLE today pero baka kase makalimutan kong mag-review kaya kinalkal ko na ang bag ko at naghanap ng notes sa TLE
"What's wrong?" tanong ni kuya kd na nahalata akong 'di mapakali
"I forgot to review!" naghahanap ko paring sabi at maya maya pa'y lumiwanag ang mukha ko ng makita na ang hinahanap
"There you are!" tuwang-tuwa kong sambit at hinalik-halikan pa ang notes bago tumingin kay kuya
"Found it!" ngiting-ngiti ko pang sabi at inilingan niya lang ako
"We're here." sambit ni kuya at itinigil ang kotse
Agad ko namang binaba ang binabasang notes at napalingon sa labas at nakitang nasa tapat na nga kami ng school
Bumuntong hininga ako dahil nakakalahati ko palang ang notes na nire-review at mukhang hindi pa nga nakukuha o napapasok sa kokote ang iba. Bumaba na ako ng kotse at nag-paalam kay kuya bago pumasok sa gate ng school.
Nang makarating ng main building ay agad akong dumiretso papuntang elevator pero nabigla ako ng wala man lang pila kaya tuwang-tuwa akong pumasok at pumindot na sa 2nd floor kung nasaan ang totoong classroom ng section namin dahil adviser naman namin ang magtuturo sa first sub ko ngayon na Filipino.
Nagulat ako ng pasara na sana ang elevator ay may bigla namang humarang na kamay para mapigilan ang pagsara nito atsaka pumasok. Nanlaki naman ang mata ko ng makita kung sino ang humarang ng kamay at pumasok sa elevator.
"Ohh... A late Grade 10 Student." He said, full of humor
Napataas ang kilay ko "And you, not?" sarkastiko kong tanong
"K.O." sabi niya sabay acting na natumba, sign of defeat
Natawa naman ako at napailing. Sabay kaming napalingon sa bukana ng elevator ng bumukas ito at niluwa ang 2nd floor
"Bye, bata!" dinig ko pang sigaw niya pagkalabas ko
Umirap ako sa kawalan. Pagpasok ko ay tinignan lang ako ng adviser namin. Yumuko ako at nag good morning bago dumiretso sa aking upuan
"Yan! Confident pumasok ng late tuwing huwebes dahil adviser ang first subject!" parinig pa ni mika sa tabi ko
I just make face on her atsaka nagtanong kung ano ang pinapagawang activity. Sumagot naman siya na magsusulat lang daw
"Anong plano mo sa sportfest? Halos limang araw din yun, ahh! Posible namang araw-araw tayo manood! Kasawa na mga players. Halos walang bagong mukha, ehh, mag mall nalang tayo sa ibang araw nun?" bulong niya sakin ng papalabas kami papunta na sa susunod naming klase na english. Sa kabilang building na naman yun kaya lilipat na naman kami
