Like
Patungo sa garden ay nakita ko na agad kung sino ang mga nandun. Si Kuya kd, Mom at may isang lalaking hindi ko kilala pero mukhang siya ang sinasabing ka-blockmates ni kuya dahil sila ang nagtatawanan, at si dyllan na prenteng nakaupo ay nakikipag-usap naman kay mommy. Napalingon siya sakin pero agad ding bumaba ang tingin sakanyang pagkain.
"Sa wakas, tapos na din mag-ayos ang mahal na prinsesa." sambit ni kuya kd na nakapagpalingon sa kanilang lahat. Uminit ang pisngi ko at tumabi na kay mommy.
"Goodmorning, Anak, What took you so long?" malambing na sabi sakin ni mommy
"You didn't told me that we're going to have a breakfast here." malamig kong sambit sakanya
Napatango naman siya at tila naliwanagan kung bakit ako natagalan
"Btw, Kheila this is Dyllan, and Dyllan this is my 3rd child, Kheila." pakilala sa akin ni mommy sa katapat niya
Tumango lamang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Tila walang pakealam o ayaw niya lang bigyan ng pansin ang pagpapakilala sakin.
Wow! Jusst wow! Parang hindi niya ako ininis kanina, ahh! Parang hindi niya ako tinawag na "cute" hmmp!Namula tuloy ang pisnge ko ng maalala ang nangyare kanina
"And this is Jayden Cardinal, my blockmate back then, Kc. Siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid." pormal na sabi naman ni Kuya kheonn
Tinignan ko yung jayden at si dyllan. Pinagkumpara ko sila at napansing mas hard ang features nung jayden at soft ang kay dyllan. Pero mukhang mas palangiti itong Jayden kesa kay Dyllan na pag titignan mo't 'di kilala, mukha siyang manyak na masungit. Napairap ako sakanya ng iangat niya ang tingin sakin.
Nginitian ko nalang si jayden pero nagulat ako ng naglahad siya ng kamay sakin. Tinanggap ko naman yun atsaka siya nagsalita
"Nice to meet you, Kheila," he smiled at bahagyang pinisil ang kamay ko. Walang nakapansin nun pero agad akong nailang at bumitaw sa kamayan
"Nice to meet you, too! Please drop the formality. It's ok..." nahihiyang nakangiti kong sambit
"Eh-ehem... Ehem!!" si dyllan na uminom ng tubig pagkatapos umubo
May sakit ba siya? Mukha naman siyang hindi sakitin at walang sakit. Kanina lang nagdidribble pa siya at malakas kumain.
"HAHAHA.. ok then, just call me Kuya jayden." ngumiti ulit siya at sinulyapan si dyllan bago bumaling kay Kuya kd
"Are you okay, hijo?" mom asked dyllan, worriedly
"Ok lang po!" ngayon ay hindi na siya maka-angat ng tingin at dinirekta nalang talaga ang paningin sa kanyang pagkain
May sariling mundo na sila kuya. Mukhang tapos ng kumain at pursigido ng magkwentuhan nalang.
"Kanina, Khei, nung wala ka, I asked dyllan kung saan siya mag-aaral." ngumiti ng tipid sakin si mommy
Tumingin lang ako kay mommy at hindi sumagot dahil may nginunguya pang pagkain, nagpapahiwatig na ituloy ang sasabihin niya.
"And guess what? Sa San Lorenzo University din siya! Sa school mo!" ngiting-ngiti pang sabi ni mommy
Nabulunan ako sa kinakain at agad na humagilap ng tubig. Nagpanic na din si mommy at nakita kong may kamay na nag-abot sakin ng isang baso ng tubig. Ininuman ko kaagad 'yun at lumingon sa kung saan nanggaling ang kamay.
