Help
From Mommy:
Anak, where are you?basa ko sa text ni mommy sakin.
To Mommy:
I'm on my way, mommy.pagka-reply ko ay agad ko na itong itinago sa aking bag.
Kakalabas ko lang sa Hospital. Nag-half day ako ngayon dahil pupunta ako sa makati. Sa bahay namin. Bibisitahin kase namin si daddy pero ang gusto ni mommy ay sabay sabay kaming dadalaw kaya magkikita muna kami sa bahay.
Napairap ako ng matraffic pa.
Maya maya ay binuksan ko ang phone ko para sana tignan ang oras pero nanlaki ang mata ko ng lowbat na ito at ayaw bumukas.
Hinagilap ko na ang charger para naman hindi ito ma-drain.
What a day?
Binuksan ko nalang ang stereo para hindi mabored pero mas lalo lang akong napasibangot ng makita ang magandang paglubog ng araw.
I should take a vid or a pic of that pero ano ang magagawa ko? ang phone ko ay hindi parin bumubukas.
Gusto ko pa sanang mag-drive thru ng may nakitang Jollibee pero naisip kong malapit narin naman ako at sa dalang foods nalang nila mommy ako kakain mamaya.
Matapos ang naging mahabang biyahe dahil sa traffic ay napahinga ako ng maluwag ng maaninag na ang village. Paliko na ako nang bigla naman akong harangin ng guard.
Kinatok niya ang bintana ko kaya binuksan ko naman ito.
"Yes, Manong?" I smiled.
"Ma'am, mukhang hindi kayo taga-rito.. sino ho, ba ang bibisitahin niyo?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Mukhang bago ang isang 'to. My god! Bakit ba parang ang bilis magbago ng guard ang village na ito.
"Ma'am?" tanong niya uli.
Sinabi ko na ang address para 'di na magtagal dahil tingin ko ay sobra ko nang pinaghihintay sila khinn doon.
Bumusina ako ng hindi parin nila iniaangat ang harang para makapasok na ako.
Tumingin ako ng masama kay manong guard na nagkakamot ng ulo bago ako nilapitan muli.
"Ehh, ma'am sino ho, ba ang—"
hindi ko na siya pinatapos at dahil sa sobrang inis ko ay sarkastiko na akong sumagot.
"Of course, yung nakatira doon, manong! Alangan namang titignan ko lang yung bahay? o baka naman iniisip mo na akyat bahay ako? hell no! Family ko ang nakatira doon! dati akong taga doon! Ngayon lumipat ako ng manila dahil nandun ang trabaho ko!"
"Ehh, ma'am kase.." medyo naguguluhang sambit ni manong guard.
"Ano?!" inis kong tanong.
"Wala na pong tao doon sa address na sinabi n'yo.. Umalis po sila. Mga trenta minutos na ang nakakaraan..." paliwanag niya at bumalik ng guard house.
huh? Anong oras na ba?
Agad kong kinuha ang phone at nagulat ng makitang 6:30 na ng gabi!
