Kabanata 16

125 6 0
                                    

Visit

"Merry Christmas!" bati ni Mommy na nasa screen

"Merry Christmas din po, mommy!" maligayang bati ko

Nandito ako sa kusina at ka-skype ko si mommy para ipakita ang mga handa at iba pang niluluto nila Manang Sera

"That one looks yummy!" turo naman ni Khinn mula sa screen

Tinignan ko kung saan siya nakaturo at direkta iyon sa Coffee jelly na ginawa ni clara kanina

"It is! Natikman ko na 'yon kanina," I smiled at her

Tumango-tango naman siya sa sinabi ko

"Btw, Where's Kuya Kiro?" tanong ko dahil silang dalawa lang ang nakikita ko sa screen

Umuwi na sila Kuya Kiro at Khinn last month matapos ang birthday ko at ngayong Christmas break ay sa Canada sila namalagi para may kasama si mommy

"He's outside. I think talking to someone?" Mommy shrugged after she said that and she even smirk!

Kumunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni khinn sa screen. Parang nabasa niya kung anong nasa isip ko kaya nagsalita siya

"She's calling him, again?" pahisterya niyang tanong kay mommy

"I guess? so what? Let Kiro handle her, girls!" mommy almost rolled her eyes

"Mommy, stop bugging Kuya, please? Let him live his life!" pangaral ko sa aking ina habang iiling-iling

"Come on, girls! Malaki na ang Kuya Kiro n'yo! Tsaka bakit ganyan kayo maka-asta? As far as I remember, Pinakilala ko lang naman! Nothing's wrong!" painosente pa na paliwanag niya

"That girl was obsessed with him." nakatungong sabi ni khinn

"Stop it! She's a good girl! and kapag hindi pa talaga tumigil iyang Kuya niyo sa kakababae, baka ituloy ko na talaga yung dati ko pang binabalak!" She said full of frustration

Pagkatapos ng usapan na 'yon ay pumunta na kami ni Kuya Kiro sa Dining Area kasama ang lahat ng kasambahay at ang ibang guards dahil 11:58 na at hinihintay nalang namin mag 12mn

"5... 4... 3... 2... 1!" sabay sabay naming bilang

"Merry Christmas!" batian namin ng mag alas dose na

"Sige na po, kain na tayo!" anyaya ni Kuya Kheonn sabay kuha din ng pagkain niya

Ako naman ay pumuslit at lumabas ng dining. Naupo ako sa sofa ng makarating sa sala

To Dyllan:
Merry Christmas!

Message ko kay Dyllan at forward nito kay mika at JB

Agad naman siyang nagreply ng makita ang mensahe ko

From Dyllan:
Merry Christmas din! labas ka ng bahay n'yo pag nag 12:05 :)

Napangiti ako ng mabasa iyon at nagtipa ng isasagot sakanya

To Dyllan:
Ok!

The Spark in the CourtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon