Chapter Four

479 26 1
                                    

Wahashtini

Tamad na tamad ang pakiramdam ni Elledashia. It's her eighteenth birthday however, she is not able to anticipate her day. Paano ba naman kasi, talagang hindi makakarating ngayong araw si Axle dahil kasalukuyan itong nasa Cambodia para sa conference meeting nito with the investors and other business partners sa naturang bansa para sa condominium tower na itatayo ng Montecarlo Al-Sazam Property Group doon. Maglilimang araw na ito roon at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik ng bansa.

Pinipilit niya lang magmukhang masaya para sa pamilya niya. Of course, her family have prepared a lot for this big day. She is going to celebrate this day with diferrent big people. Ayaw naman niyang magmukhang katawa-tawa sa harap ng mga ito dahil lang sa lungkot na ilang araw na siyang kinakain.

Inalalayan na siya ng mga assistant ni Scarlett para maisuot niya ang unang gown. It was an apple green colored gown na siya rin ang nagdesign. Ito ang gagamitin niya sa parte ng kaarawan niya kung saan magsisindi ang mga kaibigan niya ng kandila para sa kanya.

"Why so beautiful, Elle?" Namamanghang bulalas ni Lindsay sa kanya - ang family make-up artist nila. "A lot of girls will be intimated by your georgeousness." Papuri nito.

She force a smile. Sa tuwina ay ito ang nagmemake-up sa pamilya nila tuwing may okasyon. At hindi pa yata nito nakalimutang papurihan siya.

"And your design, once again, made you looks so stunning as ever. Surely, pagkakaguluhan ka na naman ng iba't-ibang talent agency especially ngayon na nasa legal age ka na." Dagdag papuri pa nito sa kanya.

"For the nth time, they will be declined again." She jokingly said.

Bantulot namang tumawa si Lindsay.

"Sabagay, you already have everything. Ano pa bang mahihiling mo?" Sabi pa nito.

Bumuka ang kanyang bibig na wari'y gustong sabihin ang nilalaman ng isip ngunit nagpasyang isara na lamang ulit iyon.

The truth is, she really doesn't have everything. Dahil ang lalaking itinitibok ng puso niya ay hindi niya makuha-kuha. Napakailap ng lalaking iniibig niya. At iyon ang matagal na niyang hinihiling. Ang maangkin ang lalaking mahal at nagmamay-ari ng puso niya.

Napabuntong-hininga siya saka tinignan ang sariling repleksyon sa salamin.

Ilang sandali na lang ay mag-uumpisa na ang selebrasyon ng kaarawan niya. Gaganapin iyon sa bulwagan ng Montecarlo Al-Sazam Property Group Tower. Hindi na siya makapaghintay na matapos ang araw na iyon dahil wala naman siyang magandang bagay na nilolook forward para sa kaganapang iyon.

Inihanda na niya ang sarili. Ipinaskil niya ang ngiting siguradong inaasahan ng lahat na makikita sa kanya. Pinag-igi niya kahit pa nga, pilit na pilit lang iyon.

Kasama ang ilang aalalay sa kanya ay lumabas siya ng kwartong iyon. Sa dulo ng pasilyo ay isang mahabang balustre ng balkonahe sa itaas kung saan matatanaw niya roon ang kanyang mga bisita. Narinig niya ang pagwelcome ng emcee sa mga bisitang dumalo. Ilang sandali pa ay hudyat na ng pagdungaw niya mula sa balustre.

"Let us all welcome, the auspicious debutant of the evening, the ever beautiful daughter of Mr. Alfonso and Dianara Montecarlo of Montecarlo Al-Sazam Property Group, Ms. Elledashia Montecarlo!" Masayang pagpapakilala ng emcee sa kanya.

Tumutok ang spotlight sa bukana ng balkonahe saka siya buong kasiyahang dumungaw mula roon at ngumiti sa mga nagpapalakpakang bisita na noong makita siya'y nagsipagtayuan. Matapos ang ilang sandali ay bumaba na siya sa hagdan na patungo sa stage.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon